As part of TESDA Secretary Isidro S. Lapeña’s tour of Agrostudies-affiliated farms in Israel, he visited the facilities of Hishthil farm in Yarden at the Nehalim moshav, and Zarfati Ibudim farm in Tel Mond town. There, the Secretary personally observed the operations of a nursery of vegetables and fruit bearing plants, and fruit tree farming.


Para sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas, ang Kfar Silver Agriculture Training Center ng Agrostudies sa Askelon, Southern District, Israel ay personal na binisita ni TESDA Secretary Isidro Lapeña.


Kasalukuyang pinapakinabangan ng mga trainees mula TESDA Provincial Training Center (PTC) - General Santos City ang  "House for Free-Range Chicken" na may lapad na 5 metro at haba na 20 metro. Ito ay naglalaman ng walong klaseng uri ng manok.

Ipinagmalaki ito ni TESDA Secretary Isidro Lapeña at ng mga kawani at empleyado ng PTC - General Santos City. 


Maraming benepisyaryo pa ang mabibigyan ng pagsasanay sa bagong bukas na Domestic Works NC II Training and Assessment Center na nasa TESDA - General Santos National School of Arts and Trades (GSNSAT) Tiongson St., Lagao, General Santos City.

Binisita ni TESDA Secretary Isidro Lapeña noong April 29, 2022 ang iba't ibang pasilidad ng GSNSAT para tingnan ang kalagayan dito. 


Inaasahan na mas marami pang TESDA trainees ang matutulungan sa kanilang pag-aaral na may kinalaman sa "Agribusiness" mula sa gabay ni Mr. Arnel Corpuz, isang eksperto sa larangan ng agrikultura.

Noong ika 29 ng Abril, 2022, binisita ni Secretary Isidro Lapeña ang isang farm, sa Barangay Glamang, Polomolok, South Cotabato kung saan ay nakilala niya si Mr. Arnel na may ari ng malalaking farm ng baka, kambing, at toro.


Page 4 of 91