Nasa 25 na mga magsasaka at residente ng Brgy. Carmen, Baguio District, Davao City ang bibigyan ng libreng pagsasanay sa kursong Organic Agriculture Production NC II na isasagawa ng Wangan National Agricultural School (WNAS). 
Kabilang ang Barangay Carmen sa mga benepisyaryo ng Kasanayan Sa Kabuhayan (KSK) on Sustainable Agriculture Program ng SM Foundation sa pakikipagtulungan nito sa TESDA at iba pang ahensyang kabilang sa Poverty Reduction and Employment Cluster. 
Personal ding dumalo sina Secretary Isidro S. Lapeña, DDG Lina Sarmiento at TESDA XI Regional Director Engr. Lorenzo G. Macapili sa nasabing programa na ginanap noong April 28, 2021.

 


Ilang mga leaders ng mga indigenous people (IPs) sa Davao de Oro, Davao del Norte at Davao City ang dumalo sa pagpupulong na isinagawa noong April 28, 2021, sa pangunguna ni Secretary Isidro S. Lapeña. 


Sa pagtutulungan ng mga member agencies ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster, mga opisyal ng lima sa mga priority barangays sa Paquibato District, Agricultural Training Institute XI at Regional Training Center –Korea Philippines Vocational Training Center, isinagawa noong April 27, 2021 ang Multiplier Training Program on Diversified Integrated Upland Farming System para sa ilang mga katutubo sa Paquibato District upang maturuan sila ng iba't ibang pamamaraan sa upland rice farming. 


Binisita ni Secretary Isidro S. Lapeña at ng iba pang opisyal mula sa mga ahensya sa ilalim ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) ang Barangay San Nicolas noong April 27, 2021, kung saan nagsanay ang nasa 25 na scholars ng Produce Organic Concoction and Extracts sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program. Ang mga benepisyaryong ito ay kasalukuyang nagsasanay naman sa Raise Organic Chicken na isinasagawa ng Provincial Training Center-Davao del Norte. 


Noong April 27, 2021, binisita ni Secretary Isidro S. Lapeña ang Villar Sipag Farm School sa Buhangin, Barangay Communal, Davao City, kasama ang iba pang TESDA at Agricultural Training Institute-Regional Training Center (ATI-RTC) officials na katuwang ng ahensya sa pagsasakatuparan ang programang  Multiplier Training of Trainers on Modernized Production of High-Quality.


Page 10 of 50