LAUNCHING OF TSUPER ISKOLAR PROGRAM REGION IV-A

Lipa Sports Complex, Lipa City, Batangas 04 October 2019

MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT! 

NAGPAPASALAMAT AKO SA LAHAT NG NARITO NGAYON LALO NA SA ATING MGA TSUPER ISKOLAR NA PINILING MAGING BAHAGI NG NAPAKAGANDANG PROGRAMANG ITO. 

UNA SA LAHAT, NGAYON PA LANG AY BINABATI KO NA ANG 533 NA MGA KASAMAHAN NATING MGA TSUPER NA NAGPAUNLAK SA AMING IMBITASYON NGAYONG ARAW. KAYO ANG UNANG GRUPO MULA DITO SA BATANGAS NA MABIBIGYAN NG LIBRENG PAGSASANAY O SKILLS TRAINING MULA SA TESDA AT DEPARTMENT OF TRANSPORTATION.

NAGPAPASALAMAT AKO SA DEPARTMENT OF TRANSPORTATION, SA PANGUNGUNA NI SECRETARY ARTHUR TUGADE, SA PAGBIBIGAY NG OPORTUNIDAD SA TESDA NA MAGING BAHAGI NG IMPLEMENTASYON NG PUBLIC UTILITY VEHICLE MODERNIZATION PROGRAM (PUVMP).  ALAM NYO PO, ANG PONDO PONG GAGAMITIN NG TESDA PARA SA MGA SKILLS TRAINING AY HATID PO NG ATING KALIHIM, ART TUGADE.

ISA ITO SA MGA HAKBANG NG ATING PAMAHALAAN UPANG MAIHANDA ANG ATING MGA KASAMAHANG TSUPER NA MAGKAROON NG DAGDAG KAALAMAN PARA SA INILUNSAD NA PUV MODERNIZATION PROGRAM. 

LAYUNIN NG DOTR AT TESDA NA MATULUNGAN ANG BAWAT PAMILYA NG ATING MGA KABABAYANG TSUPER UPANG MAS LUMAWAK ANG MGA OPORTUNIDAD.  

HINDI LAMANG DRIVERS AT OPERATORS ANG MAAARING MAKINABANG SA PROGRAMANG ITO. KASAMA DITO ANG MGA MYEMBRO NG INYONG PAMILYA.  

SIMULA PO NG ILUNSAD NATIN ANG TSUPER ISKOLAR NOONG DECEMBER 2018, MAYROON NA PO TAYONG 1674 SCHOLARS NA NAKAPAG-AVAIL NA NG TRANING MULA SA MGA NAUNA NATING MGA LAUNCHING SA IBA’T IBANG REHIYON NG ATING BANSA. PERO MAS HIGIT PA SA BILANG NA ITO ANG AMING TARGET NA MAABOT NG AMING SERBISYO.

TINATARGET PO NG TESDA ANG 95,000 NA BENEFICIARIES PARA MABIGYAN NG TULONG SA ILALIM NG PROGRAMANG ITO. 

HABANG AMING ISINAGAWA AT ISINASABUHAY ANG AMING KAMPANYA NA “TESDA ABOT LAHAT”, MAS MAGIGING MASAYA PO ANG AMING AHENSYA NA MAIABOT ANG TULONG NA ITO SA MAS MARAMI PA NATING MGA KABABAYAN HIGIT SA BILANG NG AMING TARGET. 

LAHAT NG ITO AY GINAGAWA NAMIN BILANG KONTRIBUSYON SA LAYUNIN NG ATING PANGULO, MAYOR RODRIGO ROA DUTERTE, NA MABIGYAN NG KOMPORTABLENG BUHAY ANG BAWAT MAMAMAYANG PILIPINO. 

SABI NGA PO SA KASABIHAN, "GIVE A MAN A FISH, AND YOU'LL FEED HIM FOR A DAY. TEACH A MAN TO FISH, AND YOU'VE FED HIM FOR A LIFETIME."

‘YAN PO ANG PAPEL NG TESDA. WHEN WE SAY TEACH A MAN TO FISH, WE GIVE THEM THE TRAINING THEY NEED. KAPAG KAYO AY MAY SKILLS NA NALALAMAN, NAPAKARAMING OPORTUNIDAD ANG MAAARING DUMATING SA INYO.
HINDI NA MAGIGING ISANG MALAKING ALALAHANIN ANG INYONG TRABAHO O PAGSISIMULAN NG ISANG PAGKAKAKITAAN. 

BUKOD SA DRIVING NC II, PWEDE KAYONG KUMUHA NG LIBRENG TRAINING SA ELECTRICAL INSTALLATION AND MAINTENANCE, HEAVY EQUIPMENT OPERATION NC II (FORKLIFT), WELDING AT MARAMI PANG IBA. ANG INYO NAMANG MGA MAYBAHAY O KAYA NAMAN ANG MGA ANAK NYO AY PWEDE DING KUMUHA NG LIBRENG SKILLS TRAINING SA HILOT WELLNESS, FOOD AND BEVERAGE SERVICES,  AT  CAREGIVING. ILAN LAMANG PO YAN SA MGA KURSONG PWEDENG MA-AVAIL MULA SA TESDA.

KAPAG KAYO AY NAGPA-ASSESS AT NA SERTIPIKA AT MAGING CERTIFIED NC HOLDERS O IBIG SABIHIN, KAYO AY MAY NATIONAL CERTIFICATES, MAS MAGIGING MADALI NA MATANGGAP KAYO SA TRABAHO HINDI LAMANG DITO SA ATING BANSA KUNDI MAGING SA ABROAD. 

KABALIKAT PO NINYO ANG TESDA AT DOTr SA PAGTATAGUYOD NG ATING TRANSPORT MODERNIZATION. HINDI PO KAILANGANG MANGAMBA ANG MGA TSUPER AT OPERATORS AT ANG INYONG MGA PAMILYA.

MAKAKAASA PO KAYO NA MAS LALO NAMING PAPALAKASIN ANG MGA PROGRAMA SA TESDA PARA MAS MAKAPAGBIGAY NANG MAKABULUHANG TRAINING PARA SA LAHAT. 

HILING KO LAMANG PO SA ATING MGA TSUPER ISKOLARS NA TAPUSIN ANG TRAINING AT SIGURADUHING KAYO AY MAGIGING NC HOLDERS. SANA AY WAG NATING SAYANGIN ANG MAGANDANG PAGKAKATAONG ITO.

MARAMING SALAMAT AT MULI, MAGANDANG UMAGA! 

Back to Speeches