REPORT OF SECRETARY ISIDRO S. LAPEÑA, PhD, CSEE TALK TO THE NATION OF PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE

20 August 2021

Mr. President, noong ipinagkatiwala po ninyo sa akin ang pamumuno sa Technical Education and Skills Development Authority, I had committed for TESDA to immediately work towards winning the hearts and minds of our people, through training, in order for them to have jobs and a livelihood after. 

Layunin po ng TESDA na maiparamdam sa ating mga kababayan ang ating genuine and sincere concern sa kanilang kapakanan para maging katuwang po natin sila sa nation building and sustainable progress.

Isa ang technical vocational education and training, or TVET, sa mga itinuturing na pangunahing puwersa para sa sustainable economic development, kung saan itinaas nito ang antas ng buhay ng ating mga kababayan. Gaya ng ating mantra, we aim to transform their lives, and eventually contribute as productive members of the society. 

Ang paglagda po ninyo ng Executive Order no. 83, para sa National Technical Education and Skills Development Plan, o NTESDP, ang aming naging batayan sa lahat ng mga programa at serbisyo na aming ibinibigay sa ating mga kababayan. 

Ginamit po natin ang two-pronged strategy ng NTESD sa paghahatid ng TVET sa ating mga kababayan – una, ang TVET for global competitiveness and workforce readiness, at pangalawa, ang TVET for social equity and poverty reduction. 

Sa pagsisimula po ng aking pamumuno sa TESDA noong October 30, 2018, inilunsad po natin ang ating guiding principle – “TESDA Abot Lahat”.  Ito po ang direksyon na ating sinimulan upang mas mapalawak at mapalakas ang ating mandato. Ito ang simbolo ng paglilingkod sa mas marami nating kababayan, lalo na sa malalayo at mahihirap na lugar, upang matulungan silang mapabuti ang kanilang buhay.

Mas pinalawig po natin ang sakop ng TESDA. Under your time, Mr. President, ay nakapagdagdag po tayo ng animnapung (60) provincial training centers sa buong bansa. Kabilang po dito ang provincial training center sa Pigcawayan, North Cotabato, na personal po ninyong ipinag utos sa TESDA.

Mayroon din pong nadagdag na tatlong (3) regional training centers. Ito po ay sa National Capital Region, Region XII, at Caraga.

Dahil po sa aming layunin na mas maging accessible ang TVET, ang bawat rehiyon at probinsya po sa buong bansa ay mayroon nang mga training centers ngayon.

Sa paglagda po ninyo sa Executive Order no. 70, ang TESDA po ay naatasang mamuno sa paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan sa mga malalayong lalawigan at geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAS).

Bilang Chair ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster, or PRLEC, tinipon po natin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang mga local government units upang makapaghatid ng iba’t ibang barangay development projects sa buong bansa.

Simple lamang po ang pamamaraan ng TESDA: una ay ang alamin ang pangangailangan ng komunidad, bigyan sila ng angkop na pagsasanay at kagamitan upang makapagsimula, at turuan sila kung paano mapakikinabangan ang malawak na lupain nito, upang magkaroon ng sustainable na hanapbuhay. Teach a man how to fish, as they say, and he lives for a lifetime. 

Sa buong bansa, 215,375 na mga kababayan nating katutubo at 19,471 na former rebels po ang nagkaroon ng pagkakataong makapagtraining sa TESDA sa ilalim ng PRLEC. 

Kabilang sa pangunahing programang matagumpay na nailunsad ay ang training program on photovoltaic or solar lights installation and maintenance. Tinawag ito na Project TALA o TESDA Alay ay Liwanag at Asenso, sa Sitio Blit, Barangay Ned sa Lake Sebu Municipality, South Cotabato Province. 

Ayon sa isang Tasaday elder, na mahigit pitumpung taon ng naninirahan sa lugar, ngayon lamang siya nakakita ng ilaw pagkatapos ng napakahabang panahon na pagtitiis sa dilim. Mangiyak-ngiyak niyang ibinahagi ito sa amin. 

Ito ay isang patotoo ng kapabayaan ng gobyerno sa matagal ng panahon. Only in your time, Mr. President, na sa wakas ay nakarating din ang serbisyo ng gobyerno sa kanila. 

Nais ng TESDA na suportahan ang food security ng bansa. Kaya mayroon din po tayong training on agricrop at livestock production para maturuan ang mga komunidad na maging productive ang kanilang mga lupain. Dahil dito, nagkaroon sila ng kakayahan na makapag-produce ng kanilang sariling pagkain. 

Sa pamamagitan naman ng community enterprise development models, natuturuan din ang ating mga kababayan na magbenta ng kanilang mga sobrang produkto para sa karagdagang kita.

Isang matagumpay nating proyekto ang Alabel Food Hub o bagsakan ng mga gulay at prutas sa barangay Alegria, Alabel, Sarangani Province. 

In a span of 17 Thursdays since its opening, nakapagtala na po ang ating mga kababayan ng mahigit 800,000 pesos na kita mula sa food hub na itinayo ng munisipyo ng Alabel. 

Sa tulong ng TESDA at iba pang ahensya, nagkaroon ng training sa biomass feedstock production, power generator installation, at solar power irrigation system (SPIS) ang Ata Matigsalog tribe sa Sitio Side 4, Brgy. Mangayon, Compostela, Davao de Oro. 

Nagkaroon na po sila ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya, at kasabay, nito ay nagkaroon din sila ng pangkabuhayan dahil sila rin ang nagtatanim ng mga materyales na ginagamit para sa biomass power system na ito. Hindi na rin po problema ang patubig. Malaki ang kaginhawaang dala ng tech-voc skills sa mga taga-Sitio Side 4, na dating tinatawag na munisipyo ng mga NPA.

Malaki na rin po ang naitulong ng  mga batas na inyong nilagdaan sa pagpapalawig ng TVET. 

Una dito ay ang RA 10968 or Philippine Qualifications Framework or PQF Act. Dahil sa PQF, mas nailatag ang TVET sa kabuuan ng education system. It establishes the mechanism for lifelong learning at lalong pinaigting ang ladderized education program. Dahil dito, ang isang kababayan natin ay maaari munang mag aral ng tvet at magtrabaho. Pagkatapos, pwede siyang bumalik sa pag-aaral kung gusto nyang tumaas pa ang antas ng kanyang edukasyon. Nakatulong din ito sa pagbubukas ng oportunidad sa ibang bansa, dahil ang kanyang qualifications ay recognized or at par sa standards ng bansang kanyang papasukan.

Nagpapasalamat po kami sa inyo, Mr. president, sa pagpasa ng RA 11230 or Tulong Trabaho Act. Sa ilalim po ng batas na ito, mas marami pong manggagawang pilipino ang nabibigyan natin ng upskilling at reskilling, lalo ngayon sa post pandemic recovery, upang matulungan po natin silang magkaroon ng bagong hanapbuhay, at makabangon mula sa epekto ng pandemya. 

Ang RA 10931 or Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA), ay nakatulong naman na makapagpalawak ng enrollment sa TVET diploma programs. Ito ang magiging daan sa pag-produce ng mga technologists and technicians na magpapatakbo ng ating mga piling industriya. 

Sa loob po ng mahigit limang taon ninyong panunungkulan mula noong 2016, mahigit 10 milyon po nating mga kababayang Pilipino sa loob at labas ng bansa ang nakatanggap ng skills training mula sa TESDA. 9.8 million naman po ang nakapagtapos at 6.6 million po ang ating nacertify na skilled at competent sa kanilang mga napiling kasanayan.

Ang employment rate po ng ating mga graduates ay tumaas mula 71.87 percent noong 2017 to 84.15 percent noong 2019. 

Noong nakaraang taon, sa kabila po ng pandemya, ay nakapagtala pa rin po tayo ng 70.51 percent employment rate. Ibig sabihin po nito, pito sa kada sampung graduates ang nagkaroon ng trabaho o hanapbuhay pagkatapos ng kani-kanilang training sa TESDA. 63.37 percent po ay wage-employed o nagkaroon ng trabaho sa mga kumpanya o opisina, at 31.11 percent naman po ang self-employed o nakapagtayo ng sariling negosyo, kasama na rito ang farming.  

Mr. President, we would like to emphasize that TVET is a wise investment. Dahil sa bawat tao na nakapag-aral at nakapagtrabaho, nakakatulong tayo sa lima pa nyang kapamilya upang maging productive members ng society. 

Bilang tugon naman po sa pangangailangan ng sektor ng konstruksyon ng mas marami pang manggagawa para sa Build! Build! Build! Program ng pamahalaan, 371,369 na indibidwal po ang nakapagtapos sa 63 construction-related courses ng ahensya mula 2019 hanggang ngayong June 2021. 

Sa kasalukuyan, ang agriculture ay isa sa priority sectors ng TESDA to ensure food sufficiency and security in the communities, lalo po ngayon na patuloy pa rin ang pandemya. Kaya naman ang paglagda ng ating Presidente sa Rice Tariffication Law ay malaking tulong sa ating layunin. 

Sa pamamagitan ng rice competitiveness enhancement fund ngayong taon, ang TESDA ay nakapag assist sa 21,075 farmers, kabilang na rin ang kanilang mga dependents at iba pang farm workers.

Under the fund’s rice extension services program, nakapag establish po kami ng 301 farm schools na nagpapatupad ng iba’t ibang programa para mapalakas ang produksyon ng bigas at madagdagan ang kita ng ating mga magsasaka.

Sinabi nga ni Secretary Dar ng Department of Agriculture, malaking tulong ang mga TVET agriculture-related trainings ng TESDA upang dumami ang ani at kita ng mga magsasaka. 

Sinisigurado rin ng TESDA na mabigyan ng angkop at sapat na training ang ating mga tech-voc trainers. 

As of July 31, nakapagtala po kami ng 21,214 certified trainers. Sila din po ay proficient sa blended learning mode of tech-voc delivery na ngayon ay talagang essential sa ating new normal state.  

Sa katunayan, maging ang ating mga katutubo ay nabigyan na rin ng pagkakataong maging community TVET trainers. Ginagawa na po ito sa Davao, sa pamumuno ni Datu Benito Bayloanan ng Sitio Side 4, kung saan pinamumunuan niya ang pagsasanay ng kanyang mga ka-tribo. 
 
Ang ating mga uniformed personnel din po mula Department of National Defense (DND) at Philippine National Police (PNP) ay nabibigyan din ng trainers’ training para sila ay makapag conduct ng iba pang skills training sa lugar kung saan sila naka destino.
 
Ang training regulations ay napakahalagang parte ng ating tech-voc training programs. Ito ang basehan ng training upang masiguro ang kalidad ng ating mga graduates. 

As of July 2021, mayroong 312 promulgated training regulations na pwedeng magamit sa libu-libong tech-voc programs. Mahalaga din po ang papel ng ating mga industry partners sa pag-develop ng training regulations and standards, as well as in the delivery of quality training, kaya mas akma ang Philippine TVET sa demands at requirements ng ating mga industry. 

Pinaigting namin ang ating mga pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, private companies, corporate foundations and industry associations. Kaugnay nito isinasagawa din natin ngayon ang area-based and demand driven-tvet upang mas angkop at masiguro na ang mga programa ng TESDA ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng ating employers and industry partners, at masolusyonan na ang job-skills mismatch. 

Bilang pagtugon sa ating guiding principle na TESDA Abot Lahat, nagsasagawa rin po ang TESDA ng iba’t ibang assistance programs sa mga kababayan nating naging biktima ng mga sakuna, trahedya o mga kalamidad. 

Nagsasagawa po tayo ng training-cum-production sa mga komunidad na nasunugan upang makatulong na maibalik ang kanilang nasirang tahanan. Binibigyan din po natin sila ng training sa ibang skill areas nang sa gayon ay mabilis silang makabangon mula sa trahedya. 

Nagsagawa din po tayo ng relief operations and assistance programs sa mga nasalanta ng mga nakaraang bagyo, sa mga naging biktima ng pagsabog ng bulkang Taal, at lindol sa Cotabato.

Ang mga beneficiaries sa mga skills training na ito ay nakatanggap din ng training allowance na 160 pesos kada araw na nakatulong din sa kanilang pang araw-araw na gastusin.

TESDA’s operational plan in response to the Covid-19 pandemic calls for the implementation of flexible learning in the delivery of TVET. Inaasahan po natin na ang face-to-face classes ay patuloy pa ring apektado sa iba’t ibang parte ng bansa. Kaya naman ang TESDA ay nag-transition na rin po sa flexible learning delivery arrangements na kombinasyon ng blended, distance, online, at face-to-face learning, na pinapatupad depende sa community quarantine condition sa lugar. 

Nang magsimula pong kumalat ang Covid-19 sa ating bansa, mas pinaigting at mas pinalawig po natin ang ating serbisyo sa ating mga kababayan. 

Una po rito ay ang pag-expand ng ating TESDA Online Program. Mula sa 60 online courses, mayroon na ngayong 103 online courses na libre para sa lahat. Mahigit 1.7 milyong kababayan natin ang nag-register sa TESDA Online Program simula ng community quarantine noong march 2020 hanggang July 2021.

Ang TESDA Online Program ang naging katuwang natin upang ang ating mga kababayan ay maging produktibo noong kasagsagan ng community quarantine. 


Nagsagawa din po tayo ng mass production ng mga face masks at iba pang personal protective equipment, at namigay ng mga farm products at food packs sa ating mga frontliners, at mga kababayan nating naapektuhan ng community quarantine restrictions. 

As of April 2021, nakagawa na po tayo at nakapagbigay ng 620,422 facemasks, 40,963 face shields, 1,205 goggles, 10,070 PPEs, 17,991 sanitizers at 28 aerosol boxes.

Namigay din po tayo ng 182,417 baked products, 90,740 food packs, 348 sacks of rice at 7,855 kilograms of assorted fruits and vegetables mula sa ating TESDA mini organic farms. 

Mr. President, we believe that the true measure of the effectiveness of training is if it transforms the lives of tech-voc graduates. narito ang iba’t ibang kwento ng pagbabago at pag-asa ng ating mga tech-voc graduates mula Luzon, Visayas, at Mindanao:

Si Jeron Tanglaw, tubong Tanauan, Batangas, ang una nating tampok. Sa gitna ng pandemya, kumuha siya ng kursong Barista NC II.  Bukod dito, siya rin ay nakatapos ng Tourism Promotion Services sa TESDA.

Bitbit ang kanyang determinasyon, tiyaga, at barista skills, ginamit niya ang kanyang quarantine bike at nilagyan ng sariling cart para magsilbing lagayan ng kanyang mga gamit sa paggawa ng kanyang produkto. Pagkatapos nito ay naging tuloy-tuloy na ang pagsikat ng kanyang coffee cart sa Batangas.

Bukod pa kay Jeron, isa din sa mga naging successful na tech-voc graduate natin ay si Joeminel Cutcharo, 23 taong gulang, tubong Tacloban, Leyte. Isa ang pamilya ni Joeminel sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Ito ang nagtulak sa kanya upang isipin ang kanyang hinaharap at maging matagumpay, kung kaya sya ay nag-enroll sa TESDA ng Automotive Servicing NC I to NC IV. 

Bunga ng tiyaga at galing ni Joeminel, isa siya sa mga pinadalang delegado ng Pilipinas sa ASEAN Skills Competition noong 2018 at Worldskills competition sa Kazan, Russia noong 2019. Nakapag uwi rin siya ng Medallion of Excellence sa parehong skills competition at isa rin sya sa Best of Nation awardees nitong nakaraang Worldskills competition.

At ang pride ng Davao, si Ryan Cordova, kasalukuyang Lead Automation Control and Instrumentation Engineer sa Singapore. Graduate si Ryan ng Mechatronics Servicing NC III at Industrial Automation sa regional training center Korean-Philippines Davao.

Hindi naging hadlang ang kahirapan upang buuin ni Ryan ang matayog na hinaharap na gusto niya para sa kanyang sarili at pamilya. Suportado pa sya ng tatay niyang TESDA graduate din. Pinapatunayan nito na kapag pinagsama ang sipag, diskarte, at tech-voc, siguradong aasenso.
These are just a few examples of how tech-voc can touch the lives of its graduates and have an impact in their futures, Mr. President.

Ang mga ito ay patunay kung paano naging kaagapay ng ating mga kababayan ang TESDA sa kanilang muling pagbangon mula sa pandemya.

Sa inyong state of the nation address noong 2020, inyo pong inatasan ang TESDA na tulungan ang mga OFWs na apektado ng pandemya. 

Bilang tugon, inilunsad namin ang TESDA Abot Lahat ang OFWs. Gamit ang TESDA mobile app, libo-libong repatriated OFWs ang nakapag-register at nakapag-avail ng free skills training at free assessment at certification sa ilalim ng programang ito. 

Bukod po sa ating mga malasakit helpdesks na matatagpuan sa ating mga paliparan, nagtayo din po tayo ng mga OFW desks at malasakit help desks sa ating mga regional at provincial offices upang maprioritize ang mga pangangailangan ng ating ofws ng training at assessment. 

Lahat ng ito ay resulta ng ating pakikipag ugnayan sa ating mga Overseas Filipino Workers.

Sa kabila ng pandemya, patuloy po tayong nagbibigay ng pagasasanay sa mga displaced workers upang sila ay mabigyan ng skills at makahanap ng trabaho o magsimula ng kanilang sariling negosyo.

Sa ilalim naman po ng national employment recovery task force, tuloy-tuloy pa rin ang aming pagseserbisyo at makapagbigay ng tamang skills training sa ating mga kababayan, alinsunod na rin sa inyong direktiba nitong nakaraang sona.

Nagtutulong-tulong po ang DTI, DOLE, at TESDA, kasama ang iba pang members ng NERS task force upang masiguro na ang ating mga manggagawa ay magiging matatag habang tayo ay nasa gitna ng pandemya at hanggang sa maibangon natin muli ang ekonomiya ng bansa.

Sa huli ninyo naman pong state of the nation address, nabanggit ninyo ang kailangan gawin ng TESDA: “Prioritize the upskilling and reskilling of the Philippine workforce and increase their employability”.

Gusto po namin ipaabot ang pasasalamat sa pag-approve ninyo Mr. President ng PHP 4.95B funds para sa modernization ng mga TESDA technology institutions, pasilidad, at state-of-the-art learning systems. Ito ay upang tayo ay maging handa sa mga challenges ng 4th industrial revolution. 

Kasabay po ng pag-modernize ng pasilidad, nagdagdag din po tayo sa ating manpower complement.  Kasama sa mga inaprubahan ay ang 996 plantilla positions  para sa iba’t ibang operating units at training centers ng TESDA.

Dagdag dito ay nire-review po natin ang ating mga training regulations and standards, katuwang ang iba’t ibang industriya upang masiguro na naaayon sa pangangailangan ng mga employers at mga industriya ang mga training programs. 

Sa kasalukuyan, mayroon na tayong tatlong nasimulan nang pagpapatayo ng TESDA innovation centers sa Cebu sa Region VII, Northern Samar sa Region VIII at Zamboanga Sibugay sa Region IX. may limang (5) karagdagang innovation centers ngayong 2021 na itatayo sa Taguig City sa NCR, Pangasinan sa Region I, Isabela sa Region II, Bataan sa region III, at Davao city sa Region XI. 

Mahal na Pangulo, TESDA is fully aware of its role in this nation’s recovery from the present crisis. Nakahanda po ang aming tanggapan lalung lalo na sa pagsiguro na ang ating human resources ay nakakasabay sa mga challenges ng new normal at future work environments. sa patuloy ninyong pagtiwala at pagsuporta sa TESDA, makakamtan natin ang inyong hangarin na magkaroon ng komportableng buhay ang bawat Pilipino.   


Maraming salamat po at muli, magandang gabi sa inyong lahat.

 

Back to Speeches