VIRTUAL MEETING WITH THE OVERSEAS FILIPINO WORKERS

FRIDAY, 22 MAY 2020

Magandang hapon sa inyong lahat!

Thank you very much Ms. Gemma Sotto for organizing this virtual conference for TESDA! Thank for your invitation.

I am very glad and humbled to see all of you, gathered together, though virtually, from all over the world. I hope that everyone is safe and healthy, from where you are located right now.

Seeing all of you today, the more I realized that Filipinos are such a very hard-working race and no doubt, very family-oriented. I know that most, if not all of you, are working overseas for the welfare of your families. 

The OFW Community and TESDA have had a good relationship since late 2016. In line with one of the 10-point socio economic agenda of the President, Mayor Rodrigo Roa Duterte – to invest in human capital – TESDA launched its reintegration program for returning overseas Filipino workers in November 2016.

In 2019, after being appointed as TESDA director general, I introduced to every tesdans our guiding principle, ”TESDA Abot Lahat”. Since then, this has been the foundation of every program, project and partnership that TESDA engages in.

Ang TESDA ang mismong naghahatid ng programa sa ating mga kababayan, lahat ng sektor ay sakop ng aming mga serbisyo. Dahil TESDA Abot Lahat – OFW ka man, Indigenous People, dating rebelde, o pangkaraniwang mamamayan – kayo ay makakaasa ng serbisyo mula sa TESDA. 

Hindi lamang dito sa pilipinas nagseserbisyo ang TESDA kundi maging sa ibang bansa.  

Mayroon kaming tinatawag na overseas assessment program para sa mga OFWs na nasa Dubai , Abu Dhabi, Jeddah , Riyadh, maging sa Qatar, Kuwait, Singapore at Hong Kong.

TESDA acknowledges the contributions of each and every OFW, helping make the country’s economy steadier and more dynamic. OFWs are recognized everywhere because employers and businesses know that you readily bring with you the right skills to match your jobs. 

Ngunit sa likod ng husay ninyo, nandito ngayon at kinakaharap ng lahat ng bansa ang banta ng covid-19 pandemic. Hindi lamang panganib sa kalusugan, kasama na din ang banta sa ekonomiya at kabuhayan.

Gusto kong ipaalam sa inyo na tuloy-tuloy ang OFW Reintegration Program ng TESDA at sisiguraduhin namin na mas handa kaming mag serbisyo sa gitna ng krisis na ito. 

Makakaasa ang mga returning OFWs ng libreng skills training kasama ang libreng assessment at certification. Kung may gusto kayong simulan na livelihood o kaya naman ay trabaho sa pagbalik nyo, nandito ang TESDA para tulungan kayo. Hindi lamang ito para sa inyo, kundi pati ang inyong immediate family members ay pwedeng mag-avail ng programang ito. 

To make this process easier, I invite you to download the TESDA app from Google Playstore and App Store. 

Pagka download ninyo, makikita nyo na agad ang link para kayo ay makapag-enroll.  Mas mabilis na maa-assess ng TESDA kung anong skills training ang para sa inyo at kung saan kayo pwedeng mag-enroll. 

Muli, maraming salamat sa pagkakataong ito at naiparating namin sa inyo ang aming programa para sa mga returning OFWs. 

Back to Speeches