MENU

TESDA Training, ‘di apektado ng delay ng 2019 national budget – Lapeña


February 7, 2019

Inabisuhan ni TESDA Director General, Sec. Isidro S. Lapeña ang publiko na hindi maapektuhan ng pagka-delay ng pagpapasa ng 2019 National Budget ang mga training na isinasagawa ng ahensya.

Sinigurado ito ni Sec. Lapeña matapos lumabas ang balitang naghahayag ng hindi pagtanggap ng mga bagong estudyante sa mga TESDA training centers sa Pangasinan sanhi ng kakulangan ng pondo.

“Our statements may have been misunderstood. In fact, the TESDA Pangasinan Provincial Training Center is currently conducting 5 training programs until April and May this year, after which a new batch of trainees will be admitted,” ani Lapeña.

Kasalukuyang ipinatutupad ang mga sumusunod na training programs sa probinsya: Automotive Servicing NC I, Automotive Servicing NC II, Shielded Metal Arc Welding NC II, Gas Tungsten Arc Welding NC II, at Electrical Installation and Maintenance NC II.

Lahat ng mga estudyanteng kumukuha ng mga nasabing programa ay pumasok noong 2018 at nagsimula sa kanilang training noong huling parte ng taon.

“The trainee who was interviewed for the news story is simply waiting for slots to open, which will happen when earlier batches finish their training programs,” sabi ni TESDA Pangasinan Provincial Director Cariza A. Dacuma.

“We already have prepared our Scholarship Allocation Plan for 2019 and that is also ready for implementation,” dagdag pa ni Dacuma.

Ang pondo para sa training programs ng TESDA ay galing sa taunang budget ng ahensya at mula rin sa pondo ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).

Nakalahad sa DBM Circular Letter No. 2019-1 na ang lahat ng ahensya ng gobyerno ay “authorized to obligate the amount corresponding to their actual requirements under the regular budget for the first quarter of 2019.”  Kaugnay nito, ang pondong para sa UAQTEA ay nailabas na noong huling bahagi pa ng 2018 at maaari pang gamitin ng ahensya hanggang Disyembre ngayong taon.

“There also isn’t any truth in the statement that TESDA’s Central Office is withholding budget from our schools and training centers.  From the start, the budget of a national government agency has already been appropriated per region to be utilized according to their respective annual requirements,” paliwanag ni Sec. Lapeña




Back to List