5,015 Marawi evacuees natulungan ng TESDA


August 1, 2018

Umaabot na sa 5,015  internally-displaced persons (IDPs) o  bakwit mula sa naganap na kaguluhan sa Marawi City  ang napagkalooban ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng  skills at livelihood training program.

Sa nasabing bilang, 2,360 ang  technical vocational education and training (TVET)   graduates  sa iba’t ibang  kurso sa kontruksiyon  na makakatulong sa  isasagawang  rehabilitasyon sa Marawi City.

Ito ay ipinarating ng mga opisyal ng  TESDA Provincial Offices (POs) ng Lanao del Sur at Lanao del Norte kay TESDA  Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong  nang dumalo ito sa idinaos na  ‘TVET Graduates Summit’  sa Mindanao State University sa Marawi City nitong nakaraang July 15, 2018.

Ang summit ay inorganisa ng mga opisyal ng TESDA Provincial Offices (POs) Lanao del Norte  at Lanao del Sur katuwang ang tatlong TESDA Technology Institutes (TTIs) sa Lanao del Norte at ang  Provincial/City Manpower Development Center (PCMDC) ng Lanao del Sur at  mga Technical-Vocational Institutions (TVIs) ng Lanao del Sur, Lanao del Norte at Misamis Oriental.

Ito ay upang ipunin at ipakita  na handang-handa na ang  TESDA partikular ang mga TVET graduates  na mga bakwit sa Marawi siege na sinanay  ng mga TTIs, TVIs  at PCMDC sa iba’t ibang qualifications  sa construction sector.

Kung matatandaan, matapos na pumutok ang kaguluhan sa Marawi City, agad na kumilos ang TESDA upang tulungan ang mga apektadong mga mamayan na nagsilikas sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng iba’t ibang skills at livelihood programs na makakatulong upang sila ay magkaroon ng trabaho at pagkakakitaan.

Ang  graduates summit na binubuo  ng mga  trainees  mula sa iba’t ibang qualifications,   na ang karamihan ay ang nasa construction sector,  ay iniharap sa  Task Force Bangon Marawi (TFBM)   na kinakatawan ni  Asst. Secretary Felix Castro.

Ang ibang graduates kumuha ng kurso sa ilalim ng sector ng agriculture and fishery, electronics, garment, health, social and other community development services, tourism, at marami pang iba.

Ang may  2,360 graduates ay nagpahayag  umano ng  kanilang kagustuhan at kahandaan upang tumulong sa konstruksyon at rehabilitasyon sa  Marawi City na nasira sa naganap na  limang buwang  kaguluhan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at taga-suporta ng  Islamic States (IS) na nagsimula noong  May 23 at nagwakas  Oktubre 23, 2017.

Ang mga  bakwit sa  Marawi siege  ay   sinanay  sa iba’t ibang  scholarship program  ng TESDA  gaya ng  Massive Skills Training Program (MSTP) , Training for Work Scholarship Program (TWSP) at  Special Training for Employment Program (STEP).

Sa kabuuang bilang ng nagtapos ng kasanayan sa construction sector, 1,155 ang nagtapos sa ilalim ng  STEP mula 2017 hanggang 2018 na kinabibilangan ng  128 graduates ng   Carpentry ; Electrical Installation & Maintenance NC ll, 330; Masonry NC l, 58; Perform Multiple Plumbing, 95; Pipefitting, 65; Tile Setting, 100; at Shielded Metal Arc Welding NC l, 155.

Umaabot naman sa 215 ang mga  nagtapos  sa ilalim ng TWSP nitong 2018: Heavy Equipment Operator (Forklift) NC ll, 40; Heavy Equipment Operator (Dumptruck) NC ll,15; Pipefitting 35; Shielded Metal Arc Welding, 95, Technical Drafting, 15; at Electrical Installation & Maintenance NC ll, 15.

Samantala, 990 naman ang nagtapos sa ilalim ng MSTP: Carpentry NC ll,75; Electrical Installation & Maintenance NC ll, 300; Heavy Equipment Operator (Dumptruck) NC ll, 40; Masonry NC l,50; Pipefitting,75; Plaster Concrete/Masonry Surface (Leading to Masonry NC ll), 200; at  Shielded Metal Arc Welding NC l, 250.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Mamondiong sa naging resulta sa pagsasanay sa mga bakwit dahil malaking tulong ito ng ahensya sa pagsisimula ng rehabilitation program ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.




Back to List

 

Like us on Facebook

 
 
Fact Sheet
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph