81 heavy equipment operators, engineers ng DPWH-BOE pumasa sa TESDA assessment


July 22, 2018

Pumasa sa assessment ng Technical Education and Skills Develoment Authority (TESDA) ang 81 heavy equipment operators at engineers ng Deparment of Public Works and Highways - Bureau of Equipment (DPWH-BOE).

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong, ito ay resulta nang isinagawang 2-day assessment nitong July 14-15, 2018 para sa mga heavy equipment operators at engineers ng DPWH-BOE sa buong bansa.

Ang assessment ay isinagawa sa  DPWH-BOE, Lower Bicutan, Taguig City kung saan lahat ay pumasa o katumbas ng 100% certification rate.

Sa 81 na empleyado na lumahok sa assessment, 13 sa kanila ay nagpa-assess sa dalawang kurso.

Sa nasabing programa, siyam  ang sumailalim sa Heavy Equipment Operation (Backhoe Loader) NC ll; 10 sa Heavy Equipment Operation (Forklift) NC ll; 10 sa Heavy Equipment Operation (Hydraulic Excavation) NC ll; 27 sa Heavy Equipment Operation (Rigid On-Highway Dump Truck) NC ll; 18 sa Heavy Equipment Operation (Road Roller) NC ll;  at 20 sa Heavy Equipment Operation (Wheel Loader) NC ll.

Karamihan sa mga lumahok ay mula sa DPWH-BOE at Equipment Management Division (EMD) kung saan 46 ang lumahok; Cordillera Autonomous Region  (CAR)  - 7,  Region 11 - 7; Region lVA-5; NCR-4; Region V- 4; Region l-3; Region ll -3; Region Vlll-3;Region lVB-3; Region lll-2; Region Vl-2 Region lX-2; at Region X- 2.

Ang nag-assess ay limang assesors  mula sa Region lV-B, CAR, Region lV-A at Region l katuwang ang limang empleyado ng TESDA Certification Office (CO).

Ang CO ay nakipagtulungan sa DPWH-BOE at EMD  upang  isagawa ang programa na bahagi ng  capability building program para sa mga inaasahang  Lead Assessors sa iba’t ibang Heavy Equipment Operation (HEO) NC ll qualifications para sa mga DPWH personnels sa buong bansa bilang pagsuporta sa Build, Build, Build (BBB)  program ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ng TESDA chief na ang programa ay may kaugnayan sa planong muling buhayin at rebisahin ang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng TESDA at DPWH para sa pagtutulungan ng dalawang ahensya sa paghahanda ng  mga skilled at qualified workers  sa  iba’t ibang  construction  projects ng BBB.

Matatandaan na noong 2006, ang DPWH at TESDA ay lumagda sa isang MOU, na nag-oobliga sa huli na tumulong sa pagsasanay at assessment ng mga heavy equipment operators ng una.

Aniya, bubuhayin muli at rerebisahin ang MOU upang iangkop para sa kasalukuyang pangangailangan ng nasabing programa, particular sa paghahanda ng mga skilled at qualified workers para sa nasabing mga proyekto.

Bahagi ng nasabing kasunduan ay ang assessment ng mga  engineers  ng DPWH upang maari silang maging trainers at assessors para sa iba pang manggagawa sa bansa na may katulad na kuwalipikasyon.

Ipinaliwanag ni Mamondiong na inihahanda na ng National TVET Trainers Academy (NTTA) ng TESDA ang pagbigay ng  ‘crash course’ para sa Trainers’ Methodology (TM1) sa mga na-certify bilang kasunod na hakbang upang sila ay maging trainers at assessors.

Iginiit ni  Erris S. Sanciangco ng DPWH na ang assessment ay napakahalaga sa ahensya, dahil ang kawalan ng TESDA-certified construction equipment operators ay isang pangunahing dahilan kung bakit naaantala ang mga roadworks at iba pang mga proyekto.

Sa ilalim ng MOU, kasama sa mga responsibilidad ng TESDA ang pagsagawa ng training at assessment sa mga BOE Engineers na pwedeng maging trainers at assessors para sa equipment operators (National Certificate for specific Qualification at Trainers Methodology) habang bahagi naman ng responsibilidad ng  DPWH  ay  ang paglalaan  sa Motorpool at  network nito na Base and Area Shops sa buong bansa bilang practicum at administration venues para sa mga inaasahang trainees.

Ang dalawang ahensya ay magtutulungan sa  pagbuo ng  competency standards, competency-based curriculum, at competency-based learning materials para sa mga equipment operators at technicians. 




Back to List

 

Like us on Facebook

 
 
Fact Sheet
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph