Job Linkaging and Networking ng TESDA pinalakas


June 25, 2018

Pinalakas ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)  and Job Linkaging and Networking Services (JoLiNS) nito upang higit na matulungan  ang mga technical and vocational education and training (TVET) graduates sa pagkuha ng  trabaho, scholarships,  at posibleng oportunidad na magkamit ng loan packages sa idaraos na World Café of Opportunities.

Sinabi ni TESDA Director General, Secretary Guiling ‘Gene’ A. Mamondiong na isa sa mga hakbang upang matagumpay itong maisakatuparan ay ang pagpapatupad ng  5-day capability building program para  sa  53 opisyal at empleyado ng ahensya bilang paghahanda sa idaraos na World Café of Opportunities para matulungan ang mga  graduates na madaling makahanap ng trabaho.

Ang programa na may titulong “Strengthening the Competencies on Industry Coordination of Career Advocates and JoLiNS Focals” ay gaganapin sa National TVET Trainers Academy  (NTTA) sa Marikina City sa darating  June 25-29, 2018.

Ipinaliwanag ni Mamondiong na ang World Café of Opportunities ay isang jobs fair na sabay-sabay na gaganapin  sa labimpitong rehiyon ng ahensya sa buong bansa kasabay sa pagdiriwang ng National Technical-Vocational (tech-voc) Day sa darating na Agosto 25, subalit magiging regular na itong  isasagawa, dalawang beses sa isang taon o isang beses bawat  semester, sa kani-kanilang rehiyon o probinsya sa susunod na mga taon.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte  noong Pebrero 7, 2018 ang Republic Act  No. 10970 bilang batas na nagdedeklara sa Agosto 25 tuwing  taon bilang National Technical-Vocational (Tech-Voc) Day sa bansa  matapos pagtibayin ng Senado at Kamara ang panukalang batas ukol dito.

Ayon kay Mamondiong, layunin ng programa  na palalawakin ang  kakayahan ng mga kalahok na 53 opisyal at empleyado gayundin ang mga TESDA Technology Institutes (TTIs)/ Technical Vocational Institutions (TVIs) sa industry coordination para matagumpay na maidaos ang  World Café of Opportunities sa kani-kanilang kinasasakupang  lugar.

Sa nasabing bilang, 17 regional office focals ang sasanayin sa Career Advocacy Program; 17 Focal Provincial Directors sa Job Linkaging and Networking Services(JoLiNS) at World Café of Opportunities; 17 JoLiNS Persons mula sa mga TESDA Technology Institutions (TTIs) at 2 Career Advocates mula sa Partnerships and Linkages Office(PLO).

Ang World Café of Opportunities ay isang job opportunities at iba pang employment support interventions na iaalok at ilalagay sa iba’t ibang stations sa loob ng event area kung saan, iikot ang mga naghahanap ng trabaho at pumili nang gusto nilang oportunidad.

Ang target beneficiaries nito ay ang mga TVET graduates na naghahanap ng trabaho, TVET graduates, entrepreneurs, kumpanya/industriya na may job vacancies at Overseas Filipino Workers (OFWs) returnees at  kanilang mga  kuwalipikadong beneficiaries.

Ang mga iniaalok na serbisyo ay mga job opportunities; basic/upgrading skills  na hinihingi para sa employment ng lahat ng TVET graduates at industry workers; technical assistance para sa mga TVET graduate/entrepreneurs upang makapag-loan para sa itatayong negosyo; pagkuha at pagsasanay sa mga OFW returnees at ang kanilang  mga kuwalipikadong benefiaries.

Lahat ng regional at provincial offices (RO/PO) ay kailangang magsagawa ng regular semestral sectoral World Café of Opportunities sa pamamagitan ng JoLiNS.

Ayon kay Mamondiong, bawat tanggapan ng TESDA ay kailangang magtalaga ng Industry Coordinator (IC) para pamunuan ang aktibidad at sila ang magsisilbing tulay sa mga TVET graduates jobseekers  tungkol sa mga bukas  na employment intervention packages ng mga katuwang  na mga ahensiya.

Ang JoLiNS ay binuo sa pamamagitan ng TESDA Circular No.38, series of 2016 upang palakasin ang kampanya  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  kontra kahirapan at ang program ng ahensya tungo sa poverty alleviation at mapabilis ang paghahanap ng trabaho ng mga TVET graduates.

Ito ay isa sa mga stratehiya upang lumikha ng epekto at ipakita ang imahe na ang TESDA ay isang  mapag-arugang  institusyon.

Ang partner ng TESDA sa pagpapatupad nito ay ang Public Employment Service Office (PESO), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Department of Trade and Industry (DTI), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Department of Science and Technology (DOST), Cooperative Development Authority (CDA), Financing Institutions at TVET Institutions (TTIs at TVIs).




Back to List

 

Like us on Facebook

 
 
Fact Sheet
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph