Sa pagkakapili sa Pilipinas bilang “Best Country to Invest In” Mahalaga ang papel ng TESDA – Mamondiong


April 30, 2018

Mahalaga ang papel ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)  sa pagkakaroon ng  ‘skilled labor  force’ kaya nanguna ang  Pilipinas sa mga napiling   bansa ng mga dayuhang mamumuhunan  bilang   “Best Country to Invest In ”  in 2018.

Ito ang tahasang  pahayag ni TESDA Director General, Sec. Guiling “Gene” Mamondiong bilang pagkilala  ng ahensya  sa  lumabas na artikulo kamakailan na sinasabi  na  ang Pilipinas  ang  “The Best Country to Invest In”, base sa report ng US News & World Report’s 2018 Best Countries.

Ang “The Best Country to Invest In” ay isa sa naging paksa  sa pangkalahatang Best Countries Report.  Ang criteria ay binubo ng walong ‘equally-weight attributes’ na pinangalang: ‘Corrupt’, ‘Dynamic’, ‘Economically stable’, ‘Entrepreneurial’, ‘Favorable tax environment’, ‘Innovative’, ‘Skilled labor force’,  at ‘Technical expertise’.  Sa nasabing survey, ang Pilipinas ay ranked   #1, sumunod ang Indonesia, Poland, Malaysia at Singapore.

Bilang dagdag sa US News & World Report, mayroon ding ulat mula sa United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) na sumusuporta sa ranking data.   Nabanggit sa UNCTAD Report   na ang pagdami ng  foreign  direct investments (FDIs) noong 2017, partikular mula sa China, ay  isa sa mga dahilan kung bakit ang Pilipinas ay umuunlad   sa kabila na bumabagsak ang FDIs sa Southeast Asia.

Sa ‘Best Country to Invest In” ranking at sa  UNCTAD Report,  kapwa  binabanggit dito   na ang ‘higly-skilled labor  force’  sa Pilipinas  ay    isa sa mga dahilan kung bakit ang bansa ay magandang  pagpipilian  para sa mga  dayuhang mamumuhunan.

Ayon kay Mamondiong, malaking inspirasyon at karangalan  para sa ahensya ang lumabas na artikulo sa  US News & World Report at UNCTAD Report dahil hindi nabalewala ang pagsisikap ng gobyerno  upang ihanda ang  mga manggagawang Pinoy sa iba’t ibang skills para sa kanilang paghahanap ng trabaho sa loob  at labas ng  bansa.

Aniya, ang TESDA bilang   punong  tanggapan   ng Technical and Vocational Education and Training (TVET), tinitiyak nito ang  mataas na kalidad ng mga trained workers, sa pamamagitan nang pagpapalawak ng  kakayahan sa pagsasanay, pakikipag-partner sa mga industriya at pagbibigay ng karampatang kasanayan para mapaunlad ang  mga manggagawa ng bansa.

Higit na pinahuhusay umano ang mga TVET graduates sa ipinatutupad na apat na training modalities: school based program, center based program, community based program at enterprise based program.

Aniya, ang pinaiiral na Dual Training System (DTS) ng TESDA ay nanatiling pinakamahusay na platform para sa technical education  sa bansa.  Isa sa mga strategic approach ng program ay ang pagtutulungan ng Technical Vocational Institutions (TVIs) at TESDA Technology  Institutions  (TTIs)  at  kompanya  upang  matiyak na ang mga trainees ay  sapat ang kaalaman  na may employable skills, may alam sa trabaho, at tamang pag-uugali pagkatapos ng pagsasanay.

Malaki rin ang tulong dito ng  Language Skills Institute (LSI)  na  nagsisilbi bilang pasilidad ng TESDA para sa mga language program partikular sa mga manggagawang nagnanais na mag-abroad tulad ng mga caregivers, nurses, domestic workers  at iba pang overseas Filipino workers upang ihanda sila kung paano makipag-communicate gamit ang lengguwahe ng bansa na kanilang pupuntahan.

Sa kasalukuyan ang mga langguages programs na itinuturo sa TESDA ay ang Japanese, Korean, Mandarin/Chinese, Spanish, Arabic at English. Gayunpaman, may plano ang TESDA na palawakin pa ito  sa pamamagitan ng  patuturo ng lenguwaheng German ,  Russian, French at iba . Sa pamamagitan nito ay lalo pang makilala ang  ating mga skilled workers sa iba’t ibang panig ng mundo.




Back to List

 

Like us on Facebook

 
 
Fact Sheet
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph