MENU

Kababaihan sa non-traditional trades ibibida ng TESDA


March 4, 2018

Ibibida ng Technical Education and Skills Development  Authority  (TESDA) ang  mga matatagumpay na  kababaihang TVET graduates sa larangan ng  mga  non-traditional trades tulad ng konstruksyon, welding, plumbing, automotive  at iba  pa, sa idaraos na   2018 Women’s Conference  sa Marso 4 taong kasalukuyan.

Ang Women’s Conference ay gaganapin sa  Tandang  Sora Hall, TESDA Women’s Center (TWC).  Ang registration ay magsisimula alas-8:30 ng umaga.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng  mga international group na Building and Wood Workers International (BWI), isa sa mga global union federations, na ang sakop ay  building,  wood and forestry sector na may 12 milyon miyembro at U.S. Sisters in the Building Trades, isang U.S. based tradeswomen group of contruction workers.

Ayon kay TESDA Director General Guiling “Gene” Mamondiong, magandang pagkakataon ito para  ma i-promote ang mga aktibidad ng ahensya para sa Gender and Development (GAD)  upang  palawakin pa  ang  pagpasok ng mga kababaihan sa mga non-traditional trades.

Ilan sa mga world class at matatagumpay na mga  kababaihang  TESDA technical and vocational (tech-voc)  graduates ay sina Rebecca Sadang Liyad (General Welding & Steel Fabrication) , Marilyn O Tusi, (Gas Metal Arc Welding NC lll)  at Irene F. Mendoza (Gas Metal Arc Welding NC lll) ; sa kursong autmotive  ay sina  Jonnalyn A. Navarossa , (Automotive Servicing NCl l, ll, 1lll & lV),   Nina A. Rivero,(Automotive Servicing NC ll) , at  Leah Rose G. Cruz,(Automotive Servicing)

Ipinaliwanag  naman ni Teresita “Tes” M. Borgonos, project coordinator ng BWI Asia Pacific Region layunin nito  na  ibahagi ang kaalaman at karanasan, ipakita  ang mga magandang gawain at tagumpay ng mga kababaihan at pag-aralan ang mga solusyon  para  maka-produce ng positibong pagbabago sa local at pandaigdigan para sa mga kababaihan sa construction industry.

Idinagdag pa ni  Borgonos,  na ang kumperensya ay magandang pagkakataon din upang ipakita  na ang TESDA ay hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Ang target participant’s ay mahigit sa 300 women delegates mula sa Sisters in the Building Trades, BWI, TESDA Women’s Center graduates at trainers.

Samantala, ang BWI ay may apat na affiliates sa Pilipinas: ang Associated Labour Union (ALU), Association of Construction and Informal Workers (ACIW), Federation of Free Workers (FFW) at National Union of Building and Construction Workers (NUBCW).




Back to List