July 29, 2026
Welcoming President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.'s recognition of technical vocational education and training (TVET) as a key driver of employment and lifelong learning, the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) reaffirmed its commitment to advancing a more accessible and future-ready skills development system during the President's fifth State of the Nation Address.
In his address, President Marcos highlighted the strong employment outcomes of technical vocational graduates, noting that 81 percent of those who complete tech-voc programs are successfully placed in employment. He also underscored the value of progressive and ladderized learning pathways, including the integration of technical vocational programs in Senior High School, allowing learners to gain job-ready skills while keeping opportunities open for further education.
"Mabisang pambato rin sa buhay ang mga programa natin sa tech-voc o TVET. Sa ngayon, 81% na ang placement rate ng mga dumadaan sa kursong tech-voc. Maaaring gamitin ng isang TVET graduate ang kanyang national certificate bilang pundasyon upang maituloy pa ang pag-aaral hanggang maging ganap itong kolehiyong diploma," the President said.
TESDA Secretary Kiko Benitez said the President's message reflects the administration's commitment to positioning TVET as an integral part of the country's education and workforce development system—one that enables Filipinos to pursue employment, entrepreneurship, or higher education depending on their aspirations.
"Ang tech-voc ay daan patungo sa iba’t ibang oportunidad. Trabaho, negosyo, continuing education — lahat yan posibleng magsimula sa TESDA. And under the presidency of PBBM, kasama ang DepEd at CHED, we are building seamless pathways from skills training to work and further education, advancing a vision where the Marcos administration may be remembered as a golden age of education reform," Secretary Kiko said.
This vision is being advanced through the administration's One Education initiative, which promotes closer collaboration among the Department of Education (DepEd), the Commission on Higher Education (CHED), and TESDA to create a more coherent and interconnected education system. By strengthening coordination among the three education agencies, learners are provided with more flexible pathways that allow them to move seamlessly from basic education to technical-vocational training, higher education, and eventually, meaningful employment.
Supporting this direction, TESDA continues to expand opportunities for Senior High School learners through free competency assessment and certification, enabling qualified students to earn National Certificates that formally recognize their skills and improve their employability. Since starting this program in 2024, over 369,000 SHS graduates have earned skills certification through the free assessment. The agency also supports the implementation of the TechPro track, which equips learners with industry-relevant competencies while preparing them for employment, entrepreneurship, further skills training, or higher education.
The President pointed to the TESDA Skills Passport which serves as a digital gateway for Filipinos to access and manage their training credentials, discover scholarship and training opportunities, connect with employment services, and plan their continuing education and career pathways.
"Malaking tulong ngayon ang TESDA Passport na bunga ng digitalization ng inyong mga serbisyo," said President Marcos Jr.
TESDA is likewise working with partner agencies, including the Department of Labor and Employment, to make information on TVET programs more accessible to the public. Through these collaborative efforts, Filipinos can more easily access information on training programs, scholarship opportunities, accredited training providers, application procedures, and other services that support lifelong learning and workforce participation.
As the country prepares its workforce for the demands of a rapidly evolving economy, TESDA reaffirms its commitment to supporting the administration's vision of empowering Filipinos through quality skills development and ensuring that TVET remains a strong, accessible, and future-ready pathway toward decent work, lifelong learning, and inclusive national development.
TESDA patuloy na isusulong ang TVET, kasabay ng pagbigay-diin ni PBBM sa paghubog ng mga Pilipinong handa para sa kinabukasan
Sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang technical vocational education and training (TVET) bilang susi sa pagkakaroon ng trabaho at habambuhay na pagkatuto (lifelong learning). Kaya naman, nagpahayag ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng patuloy na pagtupad sa pangako nitong isulong ang sistema ng paghubog sa kasanayan na bukas para sa lahat.
Binigyang-pansin ni Pangulong Marcos ang magandang kinahinatnan ng mga nagtapos ng TVET, kung saan 81 porsyento ng nagtapos sa tech-voc ang madaling nakapagtrabaho. Binanggit rin niya ang kahalagahan ng progresibo at laderrized learning pathways, kabilang na ang pagsasama ng programang tech-voc sa Senior High School na nagtuturo ng mga kasanayan na kailangan sa pagtatrabaho at nagbibigay ng pagkakataon para sa mas mataas pang antas ng pag-aral.
"Mabisang pambato rin sa buhay ang mga programa natin sa tech-voc o TVET. Sa ngayon, 81% na ang placement rate ng mga dumadaan sa kursong tech-voc. Maaaring gamitin ng isang TVET graduate ang kanyang national certificate bilang pundasyon upang maituloy pa ang pag-aaral hanggang maging ganap itong kolehiyong diploma," ayon sa Pangulo.
Sinabi ni TESDA Secretary Kikongo Benitez na ang pahayag ng Pangulo ay sumasalamin sa pangako ng administrasyon na kilalanin ang TVET bilang mahalagang bahagi ng edukasyon at sistema ng paghubog sa manggagawa sa bansa - na tumutulong sa mga Pilipino para makapagtrabaho, magsimula ng negosyo o magpatuloy sa pag-aaral, ayon sa kanyang layunin.
"Ang tech-voc ay daan patungo sa iba’t ibang oportunidad. Trabaho, negosyo, continuing education — lahat yan posibleng magsimula sa TESDA. And under the presidency of PBBM, kasama ang DepEd at CHED, we are building seamless pathways from skills training to work and further education, advancing a vision where the Marcos administration may be remembered as a golden age of education reform," sabi ni Secretary Kiko.
Ang pananaw na ito ay isinusulong sa pamamagitan ng inisyatibong One Education ng administrasyon, kung saan pinalalakas ang ugnayan ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at TESDA upang lumikha ng nagkakaisa at magkakaugnay na sistema ng edukasyon. Sa pamamagitan ng matibay na ugnayan ng tatlong ahensya sa edukasyon, nabibigyan ang mga mag-aaral ng mas nababagay na landasin upang madaling makalipat mula sa pangunahing antas ng edukasyon tungo sa pagsasanay sa tech-voc, kolehiyo o pagtatrabaho.
Bilang suporta sa layuning ito, patuloy na pinalalawak ng TESDA ang mga oportunidad para sa mga mag-aaral sa Senior High School sa pamamagitan ng libreng assessment at certification upang magkaroon ng National Certificates (NC) na katibayan ng kanilang kakayanan sa paghahanap ng trabaho. Mula nang pasimulan ang programa noong 2024, mahigit 369,000 na nagtapos ng SHS ang nagkaroon na ng sertipikasyon dahil sa libreng assessment. Sinusuportahan rin ng ahensya ang implementation ng TechPro track na nagtuturo sa mga mag-aaral ng mga kakayanang hinahanap ng mga industriya upang ihanda sila sa pagtatrabaho, pagsisimula ng sariling negosyo o pagkuha ng mas mataas na antas ng kasanayan o edukasyon.
Binigyang-pansin rin ng Pangulo ang TESDA Skills Passport na nagsisilbing digital gateway para sa mga Pilipino upang ma-akses o pamahalaan ang kanilang katibayan ng pagsasanay, malaman ang mga pagkakataon para sa scholarship at mga pagsasanay, maiugnay sa serbisyo sa paghahanap ng trabaho at planuhin ang pagpapatuloy sa edukasyon at landasin para sa nails tunguhing karera.
"Malaking tulong ngayon ang TESDA Passport na bunga ng digitalization ng inyong mga serbisyo," wika ni President Marcos Jr.
Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng TESDA sa mga kapartner na ahensya tulad ng Department of Labor and Employment upang mas maraming kababayan ang makaalam tungkol sa mga programa ng TVET, pagkakataong maging iskolar, ang mga lehitimong nagsasagawa ng pagsasanay, proseso sa pag-aaplay at iba pang serbisyong sumusuporta sa habambuhay na pagkatuto o partisipasyon sa pagtatrabaho.
Habang naghahanda ang bansa sa pangangailangan ng patuloy na nagbabagong ekonomiya, muling pinagtibay ng TESDA ang pangako nitong sumuporta sa pangitain ng administrasyon na patatagin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kalidad na pagsasanay upang tiyakin na ang TVET ay nananatiling matatag, madaling ma-akses, at landasin para sa kinabukasan tungo sa disenteng trabaho, habambuhay na pagkatuto at inklusibong pag-unlad ng bayan.

Share this page





