Online Application

(The application process should take around 5-10 minutes)


REGISTRATION HERE

Universal Access to Tertiary Education

Libreng edukasyon ang hatid ng Republic Act 10931 o UAQTEA.

Kasama rito ang libreng competency assessment, allowance at toolkits.

Para maka-avail, siguraduhing pasok sa sumusunod na kwalipikasyon:

  • May sampung taon na basic education at iba pang requirement na nakasaad sa Training Regulation ng napiling kurso
  • Sumailalim na sa NCAE/MATB/YP4SC Profiling
  • Hindi college graduate
  • Hindi holder ng National Certificate III o mas mataas pa, maliban na lamang kung enrolled sa Level IV bundled programs o Diploma courses
  • Walang scholarship grant galing sa ibang ahensya ng gobyerno
  • Filipino citizen

Private Education Student Financial Assistance

Ang PESFA ay program ng TESDA na nagbibigay tulong pinansyal para sa mga marginalized ngunit karapat-dapat na mga estudyante ng tech-voc education at training.

Kung ikaw ay...

  • Labinlimang (15) taong gulang pataas sa simula ng training program
  • Nakatapos ng 10-yr basic education
  • ALS Graduate
  • Hindi lagpas 300k ang taunang kita ng pamilya
  • Filipino citizen

Pwedeng mag-avail ng...

  • Libreng training at assessment
  • Student allowance
  • Book allowance

Special Training for Employment Program

Ang STEP ay programa ng TESDA para sa mga mamamayan na nagnanais magkaroon ng skills na magagamit sa pagnenegosyo o sariling hanapbuhay.

Pumili sa mahigit 70 qualifications o training sa ilalim ng STEP.

Kung ikaw ay...

  • Hindi bababa sa labinlimang (15) taong gulang sa simula ng training program
  • Filipino citizen

Pwedeng mag-avail ng...

  • Libreng training at assessment
  • Libreng entrepreneurship training
  • Libreng starter tool kits

Training for Work Scholarship Program

Ang TWSP ay sagot sa isyu ng "job skills missmatch." Layunin nito na matiyak na ang "labor force requirement" ng industriya ay mapupunan.

Pumili sa mahigit 230 qualifications o training sa ilalim ng 18 sectors.

Kung ikaw ay...

  • Hindi bababa sa labingwalong (18) taong gulang sa pagtatapos ng training program
  • Filipino citizen

Pwedeng mag-avail ng...

  • Libreng skills training
  • Libreng assessment

*Icons from Icons8.

May mga iba pang scholarship programs ang TESDA na tutugon ayon sa inyong kasalukuyang kalagayan at pangangailangan:


Frequently Asked Questions

Testimonials