20,550 drug surrenderers nabigyan ng free skills training ---TESDA


July 12, 2018
Matagumpay ang skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga drug surrenderers sa buong bansa.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary  Guiling “Gene” A. Mamondiong, umaabot sa 20,550 drug surrenderers ang nabigyan na ng pagsasanay sa iba’t ibang kurso sa loob ng dalawang taon  simula noong  2016 hanggang June 2018.

Ang mga drug surrenderers ay kabilang  sa mga beneficiaries sa programang  Skills Training for Special Clients ng TESDA na ang ibang kasama ay ang indigenous peoples (IPs), calamity-affected communities, inmates and dependents, person with disability (PWD), family enterprises, at rebel returnees.

Batay sa status report on skills training for drug surrenderers sa loob nang nabanggit na panahon, 20,550 na ang sumailalim sa skills training program  at livelihood program ng TESDA kung saan nagamit na nila sa kanilang paghahanapbuhay at pagbabagong buhay.

Nakatatala sa ulat, sa Region l, 1,512 ang nasanay; Region ll, 1,332; Region lll, 4,431; Region lV-A, 1,074; Region lV-B, 2,545; Region V, 544; Region Vl, 1,565; Region Vll, 587; Region Vlll, 494; Region lX,974; Region X, 894; Region Xl, 961; Region Xll, 1,242, CARAGA, 892; CAR, 420; NCR, 888;  at sa ARMM, 145.

Ang mga kursong kanilang kinuha ay  driving,  cookery , automotive servicing,  bread and pastry production, heavy equipment operation, carpentry, masonry,  food and beverage services, wellness, steel fabrication, Shielded Metal Arc Welding (SMAW)  at  marami pang iba.

Kung matatandaan na  inihayag ng TESDA chief na pagkakalooban ng ahensya ng skils training  at livelihood assistance ang mga ‘Tokhang’  surrenderers upang mabigyan sila ng pagkakataon na magbago, magkaroon ng desenteng pamumuhay, matatag na trabaho at oportunidad na maging empleyado.

Naniniwala ang opisyal na kung armado ng mga skills at oportunidad na makapagtrabaho at kumita ng pera, tiyak umanong magbabago ang mga drug users at pushers sa buong bansa.

Ito ay bilang pagsuporta ng TESDA sa programa ni Pangulong Rodrigo ‘Digong” Duterte kontra droga.

Samantala, patuloy pa rin ang paghimok ni Mamondiong sa mga drug surrenderers na magtungo sa pinakamalapit na mga TESDA training centers sa kanilang lugar at kumuha ng libreng skills training na kanilang gusto na magagamit sa kanilang pagbabagong buhay.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook