Kagalingan at integridad ng TESDA pinalakas


May 2, 2018

Higit pang pinalakas ng  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)  ang kampanya nito sa graft and corruption sa pamamagitan ng ipatutupad na  binuong  Agency “Efficiency and Integrity Development Plan” (EIDP)  sa paghahatid ng  mga programa  at serbisyo ng ahensiya.

Ito ay kasunod na aprubahan ni TESDA Director General, Sec. Guiling “Gene” A. Mamondiong ang EIDP na ipatutupad sa kasalukuyang administrasyon.

Ang programang ito ay bilang suporta ng ahensya sa anti-graft and corruption program ni Pangulong Rodrigo ‘Digong” Duterte.

Ipinaliwanag ng TESDA Chief na ang layunin at adhikain na isulong ang transparency at patuloy na pagpapaunlad sa lahat ng mga transaksyon at trabaho; palakasin ang pananagutan ng lahat ng mga opisyal at empleyado sa loob ng departamento at mga ahensya nito, panatilihin ang kultura sa pagkilala sa rule of law; at ang pakikipag-partner sa mga stakeholders sa pagpapaunlad ng government system ng ahensya.

“Efficiency and integrity development strategies shall be implemented in all offices and shall cover all its officials and employees. Regional, Provincial and District Offices, however, are not precluded from coming up with additional programs and projects provided that these are consistent with the goals and objectives of the Agency,” ani Mamondiong.

Upang gawing transparent ang mga transaksyon sa TESDA, patuloy na ipo-post sa  TESDA Website ang  annual net worth ng  lahat ng mga  opisyal na nasa director level  na ibabase  sa  mga isusumite  na  Statement of Assets and Liabilities (SALN), status ng mga kaso at reklamong administratibo,  management action sa  mga Commission on Audit (COA) Audit Reports, annual procurement, bids opportunities and awards, mga programa at mga proyekto.

Sa pagpapalakas naman  sa pananagutan ng mga  opisyal at empleyado ng TESDA,  magsagawa ng periodic internal audit at sisiguraduhin na matutupad ang mga alituntunin at regulasyon sa liquidation ng cash advance pati narin sa pagsunod sa Procurement Law o R.A. 9184.

Mahigpit ring ipatutupad ang pagsunod sa TESDA Code of Conduct, at pagdaraos ng mga moral at character development activities upang matiyak ang magandang kultura, makabagong mga   ideya at integridad sa mga TESDA officials at mga empleyado.

Nais ni Mamondiong, na makakasama at makakalahok ang mga  mamayan sa  pagbuo ng mga mekanismo sa pag-promote ng good governance kaya makikipag-ugnayan ang ahensya sa iba’t ibang non-governmental organizations (NGOs), civil society groups at religious organizations tulad ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Ang  binuong National Efficiency and Integrity Board  (EIB) ang  magsisilbing monitoring at oversight body sa Regional EIB na may kapangyarihan na magrekomenda na rebyuhin ang mga sistema at procedures sa  efficiency at integrity development plan sa buong bansa.

Ang trabaho naman ng Regional EIB ay tiyakin na ang mga aksyon ng EIDP ay  naipapatupad na naayon sa  kanilang office performance commitment reviews (OPCRs), magrebyu sa mga sistema at patakaran, pagmonitor at pagsumite ng report hinggil sa naipatupad na  efficiency and integrity related committees.

Kung matatandaan na noong Oktubre 17, 2016 binuo ni Mamondiong ang  TESDA Efficiency and Integrity Board (EIB) kung saan itinalagang chairman si Deputy Director General for Policies and Planning  Rosanna A. Urdaneta.

Ang pangunahing trabaho nito ay pangunahan ang pagsusulong ng efficiency at integrity sa TESDA, pagbuo ng komprehensibong Efficiency and Integrity Development Plan na kasama dito ang  anti-corruption measures. 




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook