TESDA handa na sa Boracay rehabilitation


April 15, 2018

Handang handa na ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Region 6  para pagkalooban ng tulong ang  mga maapektuhang mga manggagawa at residente  sa pagsasara ng Boracay Island sa Malay, Aklan  sa loob ng anim na buwan simula sa darating na April 26 taong kasalukuyan.

Kasunod ito nang direktiba ni TESDA Director General Guiling “Gene” A. Mamondiong sa  mga opisyal at empleyado ng TESDA Provincial Office sa lalawigan ng Aklan  na bumuo ng  action plan para matulungan ang may 73,522 apektadong mga residente, kasama ang 17,326 registered employee at 11,000 unregistered workers  sa pagsasara ng Boracay Island.

Sa panayam kay  Joel M. Villagracia, TESDA Provincial Director ng Aklan, sinabi nito  na nakanda na ang kanilang iba't ibang programa hinggil sa mga ipagkakaloob na  skills training  programs para sa mga maapektadong  mga residente  at manggagawa na aniya'y epektibong ipatupad kasabay sa pagsasara ng Boracay Island sa darating na Abril 26, 2018.

Sinabi ng opisyal na sa  paunang programa,  mag-aalok ang TESDA ng mga skills training sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP)  tulad ng agri-business, information technology-business process management (IT-BPM), semiconductors, electronics  at  sa Special Training for Employment Program (STEP) naman ay   manicure, pedicure,   pananahi, ,massage therapy at bread making para mabigyan agad ng pangkabuhayan ang mga maapektuhan.

"Nagsasagawa na kami ng inventory kung anong mga available qualifications na pwede naming iaalok, kung ilang slots pa ang available.  Initially tinatarget namin  na makapagsanay ng 2,000 applicants sa buwan ng April hanggang Hunyo,” ani Villagracia.

Kasabay nito nanawagan ang opisyal  sa  mga interesado  na magpatala sa Boracay Holiday (sa Boracay Island),  Malay mainland  at sa  tanggapan ng TESDA sa  Kalibo

Matapos nito ay magsasagawa sila ng profiling sa listahan ng mga applicants upang malaman kung anu-anong  pang mga  programa ang gustong  ia-avail  ng mga apektado  na  maaring mangangailangan ng National Certification (NC).

Sa kanilang binuong Action Plan Save Boracay,  ang unang round ng  training ay magsisimula sa April 26 at magtatapos sa  June 30, 2018

Kamalawa, April 14 ay magsisimula na ang  kanilang dissemination o information drive sa mga apektadong mga residente at workers para sa mga programang iaalok at sa pagsisimula ng enrollment.

Para sa  pangalawang yugto ng  pagsasanay, ang enrollment ay magsisimula sa June 15,2018, magsisimula ang klase sa  July 1 at magtatapos sa September 30 taong kasalukuyan.

Ayon kay Villagracia, ang mga  mag-aavail, ay bibigyan ng allowance at  toolkits. 

Ang pagsasara sa   Boracay Island ay iniutos  ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte upang bigyan-daan ang isasakatuparang paglilinis at rehabilitasyon  sa   binasagang  “island paradise” sa  loob ng anim na  buwan dahil sa  upang lutasin ang lumalalang problema sa  basura, mga iligal na imprastraktura at iba pang isyu sa kapaligiran.

Ayon kay Villagracia, ang katuwang ng TESDA sa pagpapatupad ng kanilang action plan ay ang Department of Interior and Local Government, Department of Trade (DTI), Philippine National Police (PNP), Local Government Units (LGUs) ng bayan ng Malay,  Technical-Vocational Institurstitutions (TVIs) at Association TVET Schools in Aklan (ATSA).




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook