Special National TVET Enrollment Day and Jobs Bridging malapit na!


April 4, 2018

Dahil naging matagumpay ang idinaos na National TVET Enrollment Day and Jobs Bridging noong Pebrero  27-28, 2018, ang Technical Education and Skills  Development Authority (TESDA) ay magdaraos ulit ng  2-Day Special National TVET Enrollment Day  and Jobs Bridging for Construction and Information Technology–Business Process Management (IT-BPM) sa darating na April 5-6 taong kasalukuyan.

Ayon kay TESDA Director General Guiling “Gene” A. Mamondiong, ang  idaraos na special TVET enrollment  ay  para lamang  sa sektor ng konstruksiyon  kung saan kailangan ang kanilang serbisyo para sa Build, Build, Build Progam ni Pangulong   Rodrigo Duterte  at IT-BPM, ang industriya kung saan kilala ang Pilipinas  sa buong mundo.

Ipinaliwanag ni Mamondiong, na ito’y bilang paghahanda ng ahensya sa patuloy na  tumataas na pangangailangan ng mga skilled labor sa konstruksyon at  IT-BPM na ikinokoksiderang mga key employment generators (KEGs).

May kaugnayan din ito sa plano ng TESDA na magpatupad ng Train to Build Build Build Project  bilang tugon  sa Build, Build, Build Program na naglalayon na palawakin ang suporta ng TVET sa naturang programa.

Matatandaan na noong June 2017, tinukoy ng NEDA Board Committee on Infrastructure (INFRACOM)  at Investment Coordination Committee (ICC)  ang  75 infrastructure  projects bilang flagship  projects ng kasalukuyang administration.  Ang NEDA Board na pinamumunuan mismo ng Pangulo, ay inaprubahan ang pagpapatupad ng  75 ‘high-impact Infrastructure Flagship Projects’, 53 dito ay nagkakahalaga ng P1, 579.18 bilyon.

Upang maitulak ang pagpapatupad ng mga proyektong ito, tinatayang 201,600 direct jobs ang kakailanganin at lilikhain. Ito ay kabibilangan ng mga skilled workers/laborers kung saan napakahalaga ang tulong ng TESDA patikular sa skills training/re-tooling ng mga manggagawa.

Sa talaan nang katatapos na TVET enrollment,  umabot lamang sa 28,000 ang nagpatala  para sa iba’t ibang kurso sa  construction sector  tulad ng carpentry, plumbing, masonry at iba pa.

Aniya, masyadong maliit ang 28,000 na nagpatala para sa  iba’t ibang  construction courses   kung ikukumpara sa 100,000 contruction workers na  kailangan  sanayin ng TESDA para tumulong  sa nasabing programa.

Kaya inanyayahan ni Mamondiong ang mga indigenous peoples (IPs), rebel returnees, at mga mahihirap na mga mamayan na lumahok sa  nasabing  libreng pagsasanay  ng ahensiya.

Kasama rin sa mga  inanyayahan  ng opisyal  para  lumahok dito  ay  ang mga  pinauwing mga overseas Filipino workers (OFWs) mula Kuwait at iba pang bansa  para mag-aplay sa mga trabahong iaalok ng mga stakeholders at mga kompanya na katuwang ng ahensya.

Maari rin  umano silang  magpatala  sa iba’t ibang  technical  vocational (tec-voc) courses  para sa libreng pagsasanay, retraining o  sa mga gustong magpa-upgrade ng kanilang skills upang makahanap  ng panibagong trabaho para masuportahan ang kanilang pamilya.

Sa gaganaping jobs fair, layunin din nito na muling mabigyan ng pagkakataon ang mga TVET graduates na makahanap ng trabaho mula sa mga iaalok na trabaho ng mga katuwang na mga industriya at kompanya ng TESDA.

Kabilang sa mga inanyayahan na  mga  government agencies at industry associations para sumali sa jobs bridging/fair upang matulungan mga TVET graduates para sa kanilang paghahanap ng trabaho ay ang  Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine Constructors Association (PCA), IT and Business Process Association of the Philippines (IT-BPAP).

Ang 2-Day Special National TVET Enrollment and Jobs  bridging ay  isasagawa  sa mga TESDA  Technology Institutions (TTIs)  at opisina sa buong bansa.

Para sa mga interesado na may edad mula 15 pataas , magdala lamang ng 2 piraso ng colored 1x1 picture with white background, ball pen, valid ID at birth certificate.

Sa mga TVET graduates naman na gustong maghanap ng trabaho, magdala lamang ng biodata/resume at TVET certificate.




Back to List

 

Like us on Facebook

 
 
Fact Sheet
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph