NISP sa katutubo, rebel returnees, Muslims ilulunsad ng TESDA


February 23, 2018

Upang lubusan nang  maisakatuparan  ng gobyerno ang hangarin nitong maiangat ang antas  ng kabuhayan at pamumuhay  ng may 28 milyon   katutubo  , mga rebel returnees at mga Muslim Pinoys , inilunsad ng   Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)   ang National Integration Scholarship Program (NISP) sa National Capital Region,  Region lV-A, Region 1V-B  at  sa Region lll.

Ang programa  na may temang “Serbisyong  Ramdam at Kapaki-pakinabang” ay gaganapin sa  TESDA Covered Court, TESDA Complex, Taguig City  na magsisimula  alas-9:00 ng umaga   ngayong umaga (February 23, 2018)   na pangungunahan ni  TESDA Director General Guiling  “Gene” Mamonding.

Ito ay dadaluhan ng may 800 participants na kinabibilangan ng mga rebel returnees, IPs at Muslim Filipinos na mula sa Region lV-A  o  CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas,Rizal, Quezon),  Region lV-B o MIMAROPA  (Marinduque, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Palawan, Puerto Princesa, Romblon), National Capital Region (NCR) , at Region lll.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang orientation ng iba’t ibang TESDA Scholarship programs, libreng gupit at masahe, product demos, cultural presentation at ang paglalagda ng manifesto tungkol sa skill training programs para sa IPs, rebel returnees at Muslim Filipinos.

Layunin nito na mabigyan ng libreng  skills training  ang mga interesado at kuwalipikadong  mga  katutubo  gayundin ang mga  rebel returnees at  Muslims sa iba’t ibang  technical-vocational (Tec-Voc) courses ng ahensya upang mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na magkaroon ng sapat na kasanayan na kanilang magagamit sa paghahanap ng pagkakakitaan.

Ang programang ito ay nakapaloob sa  pinagtibay na Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nina  Mamondiong at Leonor T. Oralde-Quintayo, chairperson ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) noong Pebrero 28, 2017.

Ang programa ay una nang inilunsad ni Mamondiong sa Davao, Cebu, Butuan , Pagadian City  at Caraga at Baguio City .

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng   may   136  IP chieftains sa Northern Mindanao  at Caraga Administrative Region(CAR)  na dumalo sa idinaos na National Integration Scholarship Program (NISP)  Forum sa  Butuan City, sinabi ni Mamondiong na ito ang direktiba sa kanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Ibibigay sa inyo ang dapat na ibibigay sa inyo”,   paniniyak ni Mamondiong,

Aniya nais tulungan ng TESDA ang mga IPs at Muslim dahil  kadalasan sila ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral dahil sa  kahirapan.

 “Mindanaoan people must take advantage to the development programs for IPS since our President, Rodrigo Roa Duterte who hailed from Mindanao and also has an indigenous people’s blood running through his veins poured out billions of pesos of priority programs and projects to uplift the quality of life of his constituents”,pahayag ni  Mamondiong sa pagsasalita  naman nito sa idinaos na NISP forum sa  Pagadian City.

Ayon kay Mamondiong, matapos ang skills training, ang  mga  magtatapos na  trainees ay bibigyan ng mga “livelihood opportunities”.  

" TESDA will be coordinating with concerned government agencies for the realization of the program such as the Department of Trade and Industry (DTI), Land Bank of the Philippines (LBP), Department of Agriculture (DA), at Department of Agrarian Reform (DAR)," ani Mamondiong.




Back to List

 

Like us on Facebook

 
 
Fact Sheet
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 888-5641 to 46
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph