Pamamahagi ng TESDA scholarhip grants inilapit sa publiko


February 12, 2018

Ilalapit  sa publiko   ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pamamahagi ng  scholarship grants para sa  sinoman na gustong  kumuha ng   technical-vocational (tech-voc) at maging  ang pagtulong  sa mga  TESDA graduates na nais  makapagtrabaho.

Ito ay matapos dalhin   ni TESDA Director General Guiling ‘Gene” Mamondiong   sa mga  probinsya, munisipyo at distrito ang paghahanap at  pagpaparehistro ng mga bagong aplikante para sa TESDA scholarship programs at pagpapaigting sa   pagtulong sa  mga  TVET graduates na naghahanap ng trabaho sa  pamamagitan ng  idaraos na  2-araw na  National  Technical and Vocational Education and Training (TVET)  Enrolment and Jobs Bridging sa darating na Pebrero 27 at 28, taong kasalukuyan.

Ang gaganaping   national TVET enrolment at jobs bridging ay sabay-sabay na isasagawa  sa buong bansa  sa  sentro ng   mga probinsya, munisipyo at  distrito   tulad ng mga kapitolyo, malls, LGUs sports complex, municipal/provincial stadium at iba pang itatakdang lugar na pagdarausan nito, na madaling puntahan ng  publiko.

Ipinaliwanag ni  Mamondiong  na  layunin  ng TESDA na  lalong  ilapit  at iparating  sa tao ang iba’t ibang programa  at serbisyo ng ahensya sa  tulong  ng mga lokal government units (LGUs) officials.

“This activity will be conducted in partnership with the Local Government Units (LGUs), Public Employment Service Office (PESO), Regional/Provincial Offices of the Department of Labor and Employment (DOLE), companies/industries, technical-vocational education institutions (TVIs) and othe stakeholders,” ani Mamondiong.

Ang enrolment ay bukas para sa mga Filipino na may edad 15 at pataas na interesado  sa mga   TVET programs para sa iba’t ibang technical-vocational (tech-voc)  courses.

Ilan sa importanteng  dadalhin ng  mga bagong  aplikante ay valid I.D. tulad ng  NSO Birth Certificate at 1x1 picture, habang sa mga job applicants, TESDA certificate at bio data.

Kaugnay sa jobs bridging o job fair na isasabay sa gagawing enrolment, sinabi ni Mamondiong na  ito naman ay bukas para sa lahat ng TESDA graduates na naghahanap ng trabaho.

Ito ay magsisilbing ‘social marketing’ and advocacy mechanism ng  TVET at TESDA.

Kaugnay nito, binago   ni Mamondiong  ang paggawad ng mga TESDA  scholarship program sa layuning  tutukan at pahusayin   pa ang kasanayan at kaalaman ng mga   makukuhang bagong TVET scholars  .

Ipinaliwanag ng opisyal na layunin nito  na  ihanda at iangkop ang kaalaman ng mga   scholars     sa   hamon  ng   panibagong teknolohiya, pandaigdigang  kumpetisyon at  pagsunod sa mga panuntunan na  inilalatag ng mga  kliyente sa local at international na industriya para sa kanilang  mga manggagawa.

Nagpalabas  din si  Mamondiong  ng  bagong   alituntunin na susundin para sa sa    pag-award  ng scholarship grants sa  ilalim ng 2018 Training for Work Scholarship Program ((TWSP) at Special Training for Employment Program (STEP) na itinakda sa TESDA Reform and Development Agenda.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  (Text Only) Send to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook