IMPORTANSIYA NG MGA GURO KINILALA NG TESDA


October 6, 2017

Bilang pagbibigay ng importansiya sa mga guro sa bansa ay nakibahagi ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ginanap na 2017 National Teachers’ Day na idinaos sa Legaspi City, Albay sa pamamagitan ng pagpapadala ng ahensiya ng mga kinatawan sa pagdiriwang.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ginanap ang National Teachers’ Day na kilala din sa tawag na World Teachers’ Day sa Ibalong Centrum of Recreation, Legaspi City, Albay nitong nakalipas na Oktubre 5.

Sinabi pa ni Mamondiong, malaki ang naiaambag ng mga guro sa bansa dahil ang mga ito ang nagbibigay ng karunungan at tamang gabay sa mga kabataan na nagagamit ng bawat isa sa kanilang pagsulong sa panibagong antas ng buhay.

Aniya, labing-anim (16) na regional officials at personnel ng TESDA ang nakibahagi sa okasyon kasama ng 29 Tagsanay (trainer) Awardees at candidates ang nabigyan ng pagkakataon na dumalo sa taunang pagdiriwang.

Kabilang din sa mga nakibahagi sa selebrasyon ang mga guro na nagmula sa iba’t-ibang lugar, national at local government officials, top officials ng Department of Education (DepEd), executives at employees ng mga private companies, officers and members ng volunteer organizations at iba pang samahan.

Naging makabuluhan sa mga kalahok ang pagdiriwang dahil na rin sa inihandang programa na kumikilala sa mga guro bilang tagapagbigay ng gabay sa mga kabataan upang maging maayos at makabuluhan ang kanilang kinabukasan.

Ngayong taon ay naging tema sa pagdiriwang ang “Gurong Pilipino: Kaakbay sa Progreso” kung saan ay tinutukan sa pagdiriwang ang mga nagawa ng mga guro upang maihubog ng maayos ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na karunungan.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook