8,536 KATUTUBO NABIGYAN NG SKILLS TRAINING NG TESDA


September 21, 2017
Upang tulungang maiangat ang kabuhayan ng mga kababayan nating miyembro ng Indigenous Peoples (IPs) ay nagbigay ng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga ito sa buong bansa.
 
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, umabot na sa 8,536 katutubo sa buong bansa ang nabigyan ng skills training na kanilang magagamit upang magkaroon ng pagkakataon na maiangat ang kanilang kabuhayan.
 
Sa kabuuang bilang, ang Region 11 ang may pinakamaraming mga katutubo na nabigyan ng skills training kung saan ay umabot sa 2,869 indibidwal ang nagka-interes na magkaroon ng kasanayan mula sa TESDA.
 
Sinundan ito ng Caraga Region na may 1,669 katutubo na nabigyan ng skills training, Cordillera Administrative Region (CAR) – 1,599; Region 12 – 810; Region 4A at 4B – 690; Region 1 – 343; Region 6 – 194; Region 5 – 173; Region 2 – 148; Region 10 – 25 at Region 8 na may 16.
 
Samantala, ang National Capital Region (NCR), Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Region 3 at Region 9 ay wala pang naitatalang katutubo na nagpatala para sa skills training ng TESDA.
 
Kabilang naman sa kursong pumatok sa mga IPs ay ang perform haircutting services (COC), beauty care services nail care (NC II), bread making - leading to bread and pastry production (NC II), driving (NC II), hilot wellness massage (NC II), masonry (COC/NC II), carpentry (NC II), prepare cook hotmeal leading to cookery (NC II), shielded metal arc welding (NC I) at electrical installation and maintenance (NC II).
 
Sinabi pa ni Mamondiong na inaasahan nila ang paglobo ng bilang ng mga katutubo na kukuha ng skills training sa TESDA dahil na rin sa magandang maidudulot nito sa pagpapaunlad sa kabuhayan ng mga IPs.
 
Bukod sa IPs, nakapagbigay na rin ng skills training ang TESDA sa 13,258 drugs-dependents, 3,366 jail inmates at kanilang pamilya habang 34,467 kababaihan ang nabigyan ng sapat na kasanayan sa pamamagitan na rin ng special skills training para sa marginalized sectors.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook

 
household service worker profiling
Performance Measurement and Management System
Maritime Labour Convention 2006
Social Security System