DUTERTE SALUDO SA TESDA


September 18, 2017

Saludo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) dahil sa mga nagawang magandang pagbabago ng ahensiya upang makapagbigay ng libreng skills training sa mamamayan.

Kasabay nito, pinuri din ng pangulo si TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong dahil sa ipinakikita nitong sipag dahilan upang magkaroon ng bagong anyo ang technical and vocational education sa bansa.

“TESDA is really (about) hanapbuhay, and (Secretary) Gene Mamondiong has perfected the formula for that. It is an encompassing one this time, more encompassing that what was done in the previous years”, sabi pa ni Pangulong Duterte sa pagdalo nito sa ika-23 anibersaryo ng TESDA.

Ayon sa pangulo, maganda ang mga sinimulang proyekto ni Mamondiong at inamin nito sa kanyang talumpati na naka-programa na para maitalaga sa TESDA ang kalihim dahil kilala ito sa pagbibigay ng tulong sa mga Filipino upang mapaganda ang kinabukasan.

“Our duty as government leaders is to give them (the people) a more comfortable and prosperous life.  Ako, when I was campaigning for the presidency, I have always said that ang gusto ko lang sa Filipino ay hindi naman yung mayaman, I just want (for) them a comfortable life,” dagdag pa ni Duterte.

“Filling its mandate as the lead agency to promote and advance the technical and vocational education of the Filipino workforce, TESDA has been responsible for producing the necessary manpower with the right competencies.  The success of your programs and services is best reflected in the lives of the thousands of Filipinos that you have helped transform.  May you continue to empower our people….  Congratulations, at mabuhay ang TESDA” pagtatapos ng pangulo.

Bago ang talumpati ni Duterte ay iniulat ni Mamondiong sa pangulo ang mga nasimulan nito nang manungkulan bilang kalihim ng ahensiya noong nakalipas na taon kabilang na dito ang pagkakaroon ng skills mapping sa buong bansa, pagsasaayos ng mga training institutions, paglalagay ng tendering system, pagtatayo ng National Inspectorate Group (NIG) at iba pa na labis na napakikinabangan ngayon ng mga scholars ng TESDA.

“Mr. President, we are thanking you wholeheartedly for the Universal Access to Tertiary education which you have approved just recently.  This will produce more world-class Filipino technologists, technicians and skilled workers needed to create more jobs and means of livelihood for our people,” pahayag pa ni Mamondiong.

Iniulat din nito sa pangulo na ang TESDA ay corruption at drug-free. “Leading by example here in our own backyard, all the officials and employees of TESDA have signed a document declaring TESDA to be corruption and drug-free, the first time in TESDA’s history that such a bold declaration was made. We intend to have this document hold us accountable in words and in deeds, anang kalihim ng TESDA”.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook