PSYCHOSOCIAL INTERVENTION IPAGKAKALOOB NG TESDA SA MARAWI


August 1, 2017

Bilang tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City ay sinimulan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang programang “Psychosocial Intervention for the Internally Displaced Persons (IDPs) Youth” sa naturang lugar.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, noong July 16 nang ilunsad ang naturang programa na layuning matulungan ang mga apektadong residente ng Marawi City partikular na ang mga kabataang may edad na 15 hanggang 20-anyos.

Kabilang sa mga nakapaloob sa nasabing programa ang pagbibigay ng cultural integration, Islamic teaching, peace advocacy at livelihood training na tatagal na tatlo hanggang anim na buwan base na rin sa pangangailangan ng IDPs.

Bukod sa pagbibigay ng skills training sa mga kabataan upang makatulong sa rehabilitasyon ng kanilang komunidad ay layunin din sa programang ito na mabigyan ng emotional at social na tulong ang mga apektadong residente nang sa gayon ay maibalik ang kanilang pag-asa sa muling pagbangon.

“Our brothers and sisters are scared, their spirits broken.  To rebuild Mindanao and re-establish the community’s faith in law and order, we need to start with treating emotional wounds.  People’s damaged psychological conditions, whether they care to admit them or not, will need to be addressed before the actual rebuilding can begin”, sabi pa ni Mamondiong.

Magiging abala sa programang ito ang TESDA Regional Office 10 na siyang magiging katuwang ng Ranaw Foundation na naatasan na mangalaga sa mga kababayan nating nananatili sa mga evacuation centers.

 “The general objective of the program is to strategically address the unemployment of the Marawi Siege who until now find difficulty in landing decent work. Considering the available skills training program of TESDA which is geared toward poverty reduction”, nakasaad pa sa layunin ng programa.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook

 
household service worker profiling
Performance Measurement and Management System
Maritime Labour Convention 2006
Social Security System