GOLD AT BRONZE MEDAL NASUNGKIT NG PINAS SA INTERNATIONAL SKILLS COMPETITION


June 14, 2017

Muling pinabilib ng Pilipinas ang buong mundo matapos na masungkit ng ating kinatawan ang gold at bronze medal sa katatapos na 1stChina International Skills Competition 2017 (CISC2017) kung saan ay huling sumali ang bansa sa world at international skills competition noon pang 2003.
 
Kasabay nito, pinuri ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong sina Joven Hayagan na nakakuha ng gold medal sa IT Software Solutions for Business at si Jalanie Dimacaling na nakasungkit naman ng bronze medal para sa Web Design Development.
 
Aniya, ngayong taon ay idinaos ang CISC2017 na ginanap sa Suzhou at Shanghai, China noong June 5 hanggang June 9 ng kasalukuyang taon na sinalihan ng mahigit sa 400 competitors at experts mula sa 35 bansa na pawang mga World Skills members.
 
Umabot din sa 21 competition skills at 24 demonstration skills ang pinaglabanan sa CISC2017 kung saan ay dalawang competitors lamang ang isinali ng Pilipinas na kapwa pa pinalad na makakuha ng medalya.
 
Napag-alaman na bukod sa gold medal na nakuha ni Hayagan sa CISC2017 ay nakapagbigay na rin ito ng karangalan sa bansa tulad ng silver medallist-11th ASEAN Skills Competition, Kuala Lumpur, Malaysia, 2016; gold medallist-Philippines National Skills Competition, 2016; gold medallist-Bicol Regional Skills Competition, 2017 habang nag-champion na rin ito sa Province-wide Computer Programming Challenge, 2015.
 
Samantala, si Dimacaling naman ay nakapag-uwi na rin ng iba’t-ibang karangalan tulad ng bronze medallist-11th ASEAN Skills Competition, Kuala Lumpur, Malaysia, 2016; gold medallist-Philippines National Skills Competition, 2016; gold medallist-Regional Skills Competition, 2015 at gold medallist-Baguio and Benguet Skills Competition, 2015.
 
Ayon pa kay Mamondiong, layunin ng ginanap na international skills competition na mapaangat ang vocational education at skills ng mga bansa na World Skill members.
 
“Isang malaking karangalan ang naiuwi ng dalawa nating kababayan at dahil din dito ay naipakita natin sa buong mundo na kaya nating makipagsabayan kung ang pag-uusapan ay ang galing at talino ng mga Pilipino”, pagtatapos pa ni Mamondiong. 




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook

 
household service worker profiling
Performance Measurement and Management System
Maritime Labour Convention 2006
Social Security System