TESDA EMERGENCY SKILLS TRAINING PROGRAM ILULUNSAD


April 25, 2017

Upang higit pang matulungan ang mga nagsiuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) ay ilulunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang “Emergency Skills Training Program.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, simula sa May 1 ng kasalukuyan taon ay maaari nang magsumite ng aplikasyon ang mga returning OFWs upang makakuha ng libreng skills training.

Bukod sa returning OFWs ay kabilang din sa mabibigyan ng prayoridad ang mga drug dependents at kanilang pamilya, kaanak ng mga nasawi at nasugatan sundalo at pulis, kaanak ng mga traffic enforcers at iba pang marginalized sectors.

Kabilang sa mga inisyal na kurso na ipagkakaloob ng TESDA para sa launching ng emergency skills training sa May 31 ay ang service engine mechanical components, carpentry, masonry, maintain and repair audio/video products and systems at process food by salting, curing and smoking.

Bukod dito, kabilang din sa mga ipagkakaloob na training programs ng TESDA ang cookery, welding, plumbing, electrical installation maintenance at bus/straight truck driving na ilan lamang sa mga kurso na maaaring ibigay depende sa kapasidad ng operating units ng ahensiya.

“In consonance with this, all Regional and Provincial Training Centers including TESDA Administered Schools are directed to maintain a skeletal force to accept applicants to the said program starting May, 1, 2017 (Labor Day)”, nakasaad pa sa ipinalabas na Memorandum ni Secretary Mamondiong.

Sinabi pa ni Mamondiong na ang Emergency Skills Training Program ay bahagi ng Special Training for Employment Program (STEP) at Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng TESDA.

Bukod sa libreng skills training ay ipagkakaloob din ng TESDA sa mga mapalad na mapabibilang sa naturang programa ang free assessment and certification, free starter kit at transportation allowance.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook