TESDA MAGBIBIGAY NG ONSITE ASSESSMENT SA MGA OFWs


April 19, 2017

Malaking tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang ibibigay na onsite assessment ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa mga bansa sa Middle East.

Sa pamamagitan ng Onsite Assessment Program (OAP) ng TESDA ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga OFW na mapaunlad ang kanilang kasanayan at mapaangat ang kanilang pinagkakakitaan.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, mismong ang delegasyon ng ahensiya ang magtutungo sa Middle East partikular na sa mga Philippine Overseas Labor Offices (POLO) para sa isasagawang onsite assessment.

Kabilang sa mga paggaganapan ng onsite assessment ng TESDA ay ang Comsofil sa Riyadh; POLO, Dubai; ICSA, Kuwait City at Total Care International sa Jeddah.

Sa mga OFW na nagnanais na mapabilang sa onsite assessment ay maaaring magtungo sa mga POLO sa mga nabanggit na bansa habang ang Jeddah at Dubai ay nakapag-sumite na ng listahan ng kanilang assessment candidates.

Kabilang sa mga “qualification for assessment” ay ang Technical Drafting NC II; Visual Graphics Design NC II at Computer Systems Servicing NC II para sa Riyadh habang sa Dubai naman ay ang mga Technical Drafting NC II, Visual Graphics Design NC III, Massage Therapy NC II at Caregiving NC II.

Kasama rin ang Technical Drafting NC II, Visual Graphics Design NC III at Computer Systems Servicing NC II para sa Kuwait habang sa Jeddah naman ay ang Massage Therapy NC II at Caregiving NC II.

“The program seeks to support the goal of bringing the Filipino overseas workers out of low skilled, low paying and oppressive service work, and assist them to land in higher skilled, better paying and decent work” sabi pa ni Mamondiong.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook