1,000 KABABAIHAN NABIGYAN NG SCHOLARSHIP NG TESDA SA DIGONG’S DAY FOR WOMEN


April 3, 2017
Umabot sa isang libong (1,000) kababaihan ang nabiyayaan ng libreng skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nakibahagi sa “Digong’s Day for Women na ginanap sa Kalayaan Grounds, Malacanang noong Biyernes.
 
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ang mga mapalad na isang libong kababaihan na nabigyan ng scholarship ng naturang ahensiya ay nagmula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.
 
Isa-isang ipinagkaloob sa 1,000 kababaihan ang certificate of commitment na maaaring magamit ng mga ito sa pagkuha ng libreng skills training mula sa TESDA o kaya naman ay maaari nila itong ipagamit sa kanilang mga kaanak.
 
Sa pamamagitan nito ay libreng makakukuha ng kahit na anong kurso mula sa Training for Work Scholarship Program (TWSP) ang mga nabigyan ng certificate of commitment na ipinagkakaloob ng TESDA sa mapapalad na indibidwal.
 
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginanap na “Digong’s Day for Women sa pakikiisa ng TESDA, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT), Department of Transportation (DOTr), Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya ng gobyerno.
 
Sinabi pa ni Mamondiong na patuloy ang TESDA sa pagsuporta sa mga programa ni Pangulong Duterte partikular na ang pagbibigay ng skills training sa mga kababayan nating nais magkaroon ng sapat na kasanayan sa technical vocational.
 
Layunin din ng TESDA na maiangat ang kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino partikular na ang mga naninirahan sa mga liblib na lugar sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng skills training para mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
 
Aniya, sa mga nagnanais na mapasama sa mabibigyan ng libreng skills training ay magtungo lamang sa mga tanggapan ng TESDA na malapit sa kanila o kaya naman ay bisitahin ang website ng ahensiya na www.tesda.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.




Back to List

 
Transpareny  Seal
 
 
 
 
CRDA
 
scholarship
 
PQF
 
k12
household service worker profiling

TESDA Hotline

  Tel. No: (02) 887-7777
  Send Text to 0917-4794370 (Globe)
  Email: contactcenter@tesda.gov.ph

Like us on Facebook